MATABIL
ni John Fontanilla
KAKAIBANG Yasser Marta at Robb Guinto ang mapapanood sa pelikulang Desperada ng LDG Productions ng kaibigan naming si Lito De Guzman.
Mapangahas at very challenging ang role na ginampan ng dalawa bilang sina Lucio at Brenda na kakaiba sa mga proyektong ginawa nila. Dagdag pa na talagang napakahusay nilang nagampanan ang kani-kanilang karakter.
First time na tomodo sa pagpapa-sexy si Yasser na nagpakita ng butt at hubo’t hubad sa ilang eksena.
Napakahusay at revelation din dito ni Jorge Guda na first movie ang Desperada.
Napakahusay at ‘di rin matatawaran ang galing nina Mhack Morales bilang si Hesus, Mercedes Cabralbilang Carol, at Sue Prado bilang Miriam.
Napakaganda ng pagkakasulat ng Desperada na halaw sa totoong buhay at may pinagbasehan ang istorya.
Napakahusay din ang pagkakadirehe si Louie Ignacio. May puso, matapang, at kapupulutan ng aral.
Mapapanood na ang Desperada na nagsimula noong March 23. Sa mga gustong mapanood narito ang mga schedule: March 25, Wednesday— 8:00 p.m. – Uptown Cinema 4; March 26, Thursday—2:00 p.m. – Gateway Cinema 17; March 27, Friday 5:00 p.m. Eastwood Cinema 1, 8:00 p.m., Venice Cinema 1; March 28, Saturday 8:00 p.m. Eastwood Cinema 1, 8:00 p.m., Lucky Chinatown Cinema 1; March 29, Sunday 5:00 p.m. Gateway Cinema 18, 5:00 p.m. Uptown Cinema 4.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com