Wednesday , March 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto Yasser Mata Desperada

Sinag Maynila entry na Desperada mukha ng mga taong nasa krisis 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MATAPANG hindi lamang ang pagkakalatag, pagkakalahad, at mensahe ng pelikulang Desperada bagkus pati ang mga bida nitong sina Robb Guinto at Yasser Mata ay matapang din sa pagpapakita ng katawan at galing sa pag-arte.

Ang Desperada, na may R-18 ratings mula MTRCB, ay ukol sa  mga pasyenteng maysakit sa pag-iisip na iniligtas mula sa mga lansangan at dinala sa isang silungan na pagmamay-ari ng isang lesbian Psychology graduate at medicine undergraduate na si Miriam (Sue Prado) na ang adbokasiya ay ang pag-aalaga sa mga taong walang tirahan na may mental disorder.

Sa silungang ito napadpad si Brenda (Robb), isang kabataang babae na dumaan sa pang-aabuso na ama. Sa loob ng kanlungan, nakilala ni Brenda ang iba’t ibang mga karakter na nagkaroon din ng mga traumatikong karanasan. Sa kabila ng hindi normal na kapaligiran, ginagawa ni Miriam ang lahat para maipadama sa lahat na sila ay kabilang sa isang pamilya.

Ang sakit sa pag-iisip ni Brenda ay bunsod ng trauma at pang-aabuso mula sa kanyang ama. Rito namin nakita ang husay ng aktres sa acting lalo na noong kinompronta niya ang ama at nang may hindi magandang nangyari kay Lucio (Yasser), ang love of her life na isang dating drug addict na ang buong pamilya ay napatay bilang collateral damage dahil sa pagiging pangunahing target ng pulis bilang drug user. Ang kalunos-lunos na kabanatang ito ay nagtulak sa kanya sa pagkakasala at pag-iisip.

Talagang pinalakpakan ng mga manonood si Robb dahil naiibang Robb Guinto ang nakita namin sa pelikulang Desperada. Rito’y hindi lamang pinatunayan ng aktres na hanggang sa pagpapakita lamang ng kahubdan ang kaya niya, bagkus kaya rin niyang ipakita ang lalim ng akting. Kaya tiyak na isa siya sa mga nominado para Best Actress sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival 2026 awards night na magaganap sa March 28, 2026 sa Gateway Cinema.

Ibang akting din ang ipinamalas ni Yasser na tulad ni Robb, matapang ding nagpakita ng kahubdan sa pelikula. Subalit sa kabila ng mga maiinit nilang tagpo, tiyak na mas mapapansin ang husay nila sa pag-arte na hindi naman kataka-taka dahil malalim ang pinaghuhugutan ng aktor.  

May isang eksena si Yasser na tiyak ikagugulat ng manonood. Kung ano iyon ayaw na naming sabihin dahil isa iyon sa pinaka-highlight ng pelikula. Basta napakatapang ng pelikulang ito sa eksenang iyon.

Isa rin sa napansin namin na nagpakita ng husay sa akting ay si Jorge Guda na napakahusay bilang isang beking crush na crush si Lucio (Yasser) gayundin si Mhack Morales na gumaganap bilang si Hesus na may gusto rin kay Brenda na gagawin ang lahat para rito. Isa rin siyang psycho na lumaki sa isang orphanage na boy-toy ng isang pari.

Maayos ang pagkakalatag at pagkakadirehe ni direk Louie Ignacio sa Desperada na isang eye opener patungkol sa mga may sakit sa utak. Lalo’t ang mga tagpo sa pelikula ay batay sa aktwal na mga sitwasyon lalo sa mga pribadong silungan na kumukuha ng mga taong may sakit sa pag-iisip mula sa mga lansangan. Nakadaragdag iyon ng bigat sa layunin ng pelikula na ibuhos nang mahigpit ang mahahalagang isyu sa lipunan.

Kahanga-hanga ang LDG Productions ni Lito de Guzman sa paggawa ng ganitong klaseng pelikula na nagpapakita hindi lamang ng mga mukha ng mga taong nasa krisis kundi pati na rin ang kondisyon na nagdala sa kanila roon–ang pang-aabuso, kapabayaan, kakulangan ng access sa pangangalaga, at sistematikong daan para sa maayos na ekonomiya para sa mga taong walang mapupuntahan.

Ang Desperada ay isa sa entry sa 8th Sinag Maynila na napapanood na sa kasalukuyan. Sa mga gustong mapanood ito, narito ang mga schedule ng pelikula: March 25, Wednesday— 8:00 p.m. – Uptown Cinema 4; March 26, Thursday—2:00 p.m. – Gateway Cinema 17;  March 27, Friday 5:00 p.m. Eastwood Cinema 1, 8:00 p.m., Venice Cinema 1; March 28, Saturday 8:00 p.m. Eastwood Cinema 1, 8:00 p.m., Lucky Chinatown Cinema 1; March 29, Sunday 5:00 p.m. Gateway Cinema 18, 5:00 p.m. Uptown Cinema 4.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lella Ford Krystal Mejes Miguel Vergara Joaquin Arce

Lella Ford patutunayan pagiging aktres; Krystal natulala paglabas ng PBB

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang roller coaster experience ng Kapamilya Big Four sa apat …

Rinoa Halili Kesong Puti

Rinoa Halili, bigay-todo sa pagpapatakam sa “Kesong Puti”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Si Rinoa Halili ay isa sa mga sexy actress ng …

Vince Tañada Joel Lamangan Louie Ignacio

Direk Joel, Vince, at Louie, pabor na babaan bayad sa mga sinehan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga award-winning directors na sina Joel Lamangan, Vince Tañada, …

Fifth Solomon Rhen Escan̈o Joseph Marco My Husband is a Mafia Boss

Direk Fifth sa Wattpad community: it’s massive, the fans are intense

MATABILni John Fontanilla THANKFUL sa Viva  si direk Fifth Solomon dahil sa kanya ipinakatiwala ang pagdidirehe ng sikat na Wattpad series …

Megan Young Mikael Daez Leon BTS

Megan at Mikael nanood ng concert ng BTS sa Korea 

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD ng South Korea ang mag asawang Megan Young at Mikael Daez kasama ang kanilang anak …