MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang kiligin ng bidang aktres ng Viva One series na My Husband is a Mafia Boss na si Rhen Escan̈o sa kanyang leading man na si Joseph Marco.
Ginagawang makatotohan daw kasi ni Marco ang ilan sa kanilang eksena, ani Rhen.
“Siyempre naman, sino ba ang magsasabi ng no ‘di ba, it’s Joseph Marco, like come on.
“Kaya nga minsan parang, okey to be honest, ‘pag sobrang in character kami lagi ko talaga siyang pinipigilan. Sinabi ko, ‘wait lang ‘wag ka masyadong intense.’ ‘Yung totoo talaga ‘yung kilig.
“Hindi mahirap kiligin kay Joseph Marco, so ‘yung makikita niyong eksena, effortless po talaga ‘yun, because he is Joseph Marco period.”
Maganda ang chemistry nina Joseph at Rhen na natural ang hatid na kilig sa mga manonood, bukod sa pareho silang mahusay umarte.
Makakasama nina Rhen at Joseph sa serye sina Sara Joe, Frost Sandoval, Kyosu Guinto, Maru Delgado, PJ Rosario, R-Ji Lim, Jaime Yllana, Icee Ejercito, Aaliyah Coco, at Dann Aquino.
Ang My Husband is a Mafia Boss ay base sa Wattpad sensation ni YANALOVESYOUU at ito ay mula sa mahusay na director ni Fifth Solomon. Streaming na sa April 11, 2026 exclusively on Viva One.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com