Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mayor Atty Christian Natividad Malolos OFWs cash aid

Tulong pinansiyal sa pamilya ng OFWs ipinagkaloob ni Mayor Atty. Christian Natividad

SA GITNA ng tumitinding tensyon at banta ng digmaan sa Middle East, agad na umaksyon ang pamahalaang lokal ng Lungsod ng Malolos sa Bulacan upang alalayan ang mga pamilyang Pilipino na may mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng krisis ay pinangunahan ni Malolos City Mayor Christian Natividad.

Layunin ng nasabing tulong pinansiyal na maibsan ang pangamba at matugunan ang agarang pangangailangan ng mga naiwang pamilya sa bansa.

Sa pinakahuling datos, 128 pamilya ng OFW ang nakatanggap na ng ayuda mula sa local fund ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Bawat isa ay tumanggap ng halagang ₱10,000, bilang suporta habang patuloy na hinaharap ng kanilang mga kaanak ang panganib sa ibang bansa.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng pinalakas na social support program na nakatuon sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng pandaigdigang krisis.

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at epekto nito sa ekonomiya, tiniyak ng pamunuan na may nakaabang na tulong para sa mga nangangailangan.

Hindi lamang tulong pinansyal ang naibigay, kundi pati katiyakan na hindi nag-iisa ang mga OFW families sa laban na ito. Ipinakita ng hakbang na ito ang kahalagahan ng maagap na pamumuno at malasakit sa panahon ng krisis.

Isinusulong din ng programa ang adbokasiyang “**Walang Maiiwan**,” na nagsisilbing gabay ng pamahalaang lungsod upang matiyak na bawat mamamayan—lalo na ang nasa maselang sitwasyon—ay naaabot ng tulong at serbisyo.

Sa kabila ng kawalang-katiyakan sa pandaigdigang sitwasyon, nananatiling matatag ang pamahalaang lokal ng Lungsod ng Malolos sa pagbibigay proteksyon at suporta sa kanilang nasasakupan.

Sa gitna ng krisis, malasakit ang sandigan para sa mga pamilyang Pilipino, ang tulong ay patuloy na darating. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …