Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Rafael, Bulacan
San Rafael, Bulacan

Senior citizen na MWP,  2 pa nasakote sa Bulacan

TATLONG most wanted persons (MWPs) sa municipal level kabilang ang isang senior citizen ang magkakasunod na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng tracker team ng 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company at San Rafael Municipal Police Station sa San Rafael, Bulacan kamakalawa.

Batay sa ulat ni PMajor Michael Santos, force commander ng Bulacan 2nd PMFC,  dakong 9:30

ng umaga nang unang madakip ang No. 3 MWP, isang 61-anyos lalaki.

Sinundan ito ng pagkaaresto sa No. 4 MWP, 49 anyos, lalaki, dakong 10:40 ng umaga; at ang No. 5 MWP ay 44-anyos lalaki, dakong 11:20 AM, pawang residente sa Barangay Tambubong, San Rafael.

Ang mga nasabing akusado ay naaresto sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region sa Malolos City, Bulacan.

Kabilang sa mga kasong kinahaharap ng nasabing MWPs ay paglabag sa Section 10(a) ng RA 7610, Serious Illegal Detention, at Slight Illegal Detention (RPC Art. 268).

Ang mga akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 2nd PMFC para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng kani-kanilang warrant of arrest.

Ang matagumpay na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office, sa pamumuno ni PColonel Angel Garcillano, provincial director, ay patunay ng matatag na dedikasyon laban sa kriminalidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …