ni Allan Sancon
MUKHANG tumitindi ang talakan nina Jojo Mendrez at Direk Ronald Carballo matapos magkasagutan sa show ni Roldan Castro, ang Showbiz Pulis kamakailan.
Inimbita ni Direk Ronald si Jojo na mag-guest sa kanyang show na DireKwentuhan with Ronald Carballo. Pumayag si Jojo na mag-guest. Matapos ng interview ni Jojo ay hiniling nitongipatigil ang pagpapalabas ng interview dahil feeling niya ay nabastos siya ni direk Ronald.
Sinabi pa ni Jojo na kapag itinuloy ni direk Ronald ang pagpapalabas ay idedemanda daw niya ang ito.
“Oo itutuloy ko ‘yun (pagpapalabas ng video interview). Walang makapipigil. Kahit idemanda pa ko ni Jojo Mendrez. Sa march 28 pa ang showing niyon,” sagot ni Direk Ronald sa eksklusibong interview namin dito.
“Naniniwala naman akong nagpa-interview siya ng maayos, maganda ‘yung material. For 45 years ko sa showbiz, wala namang nagreklamo sa akin na balahura akong mag-interview. First time ito kaya, confident ako. Tao na ang humatol kapag ipinalabas na ito sa March 28,” ani direk Ronald.
Ang tanong ni Jojo, ano ba raw ang mayroon sa kanya bakit gusto pa ring ilabas ni direk Ronald ang interview kahit nag-offer siya na babayaran ang buong production para huwag ipalabas ang video.
“Kasi ‘yung key duty ko as a talk show host, as interviewer, nagpa-interview siya eh, so kailangan kong ilabas ‘yun. In fact, kung sasabihin ko pa nga na… nagpakuha pa siya after the show . Kinukuha namin ‘yun sa lahat ng guest, nagpa-plug na panoorin. Mayroon din siyang video after ipalabas,” sambit pa ng direktor.
“Third season na kasi itong ‘DireKwentuhan with Ronald Carballo.’ So ‘yung 3rd season nag-pilot lang noong Sabado with Boy Abunda episode. Si Boy nag-invite rin, ang ganda-ganda ng invitation niya.
“Ang point ko lang dito, kung si Boy nga, very credible at matagal na rin sa showbiz, walang reklamo dahil kilala niya ako mag-interview. Kung mapapanood mo sa YouTube, mataas na rin ‘yung views niyong kay Boy nasa 8k plus na, two days pa lang. Ang ini-expect ko nga kay Jojo, sana wala ng mga ganyan-ganyan para mag-rate rin ‘yung interview sa kanya at makatulong din sa show, maayos kaming nag-usap, maayos kaming naghiwalay,” aniya pa.
“Nauunawaan ko ‘yung na-realize niya after. Tumawag din naman siya sa akin, nagsabi rin siya na baka pwedeng ihinto na ang pagpapalabas. At na-realize niya na baka may masagasaan siya. May deathreat daw siya. Baka matuloy ‘yung deathtreat, ganon.”
So, ayaw ba i-consider ni direk Ronald ang pakiusap ni Jojo?
“Wala kasing dapat ipakiusap eh, alam ko naman ‘yung limitation ko. Wala naman akong ginawang kabastusan. Totoong grabe ako magtanong, ‘yun naman ako sa showbiz. Sagot naman siya nang sagot.
“Pero sa kabila niyan wala namang kabastusan. Sinagot niya lang ‘yung mga tanong tapos na-realize nga raw niya na ang tatapang ng tanong ko. Napa-tell-all ko raw siya. Sabi ko sa kanya ‘di maganda kasi makikita ng tao ang tunay na pagkatao mo.’”
Nagpa-rescue pa si Jojo kay Claudine Barretto dahil kaibigan niya ito. Kaya tinawagan ng aktres ang direktor para pakiusapan na ‘wag nang ipalabas. At nagsabing magpapa-interview ito kapalit ng kay Jojo. Ngunit hindi pa rin pumayag si direk Ronald kahit kumare pa niya si Claudine.
“Sinabi n direk Ronad sa aktres na, ‘Claudine hindi ko magagawa ‘yun, kung gusto mo iinterbyuhin kita ng buo sa next four episode ko. Isasama kita pero hindi swapping with Jojo Mendrez. Nakahiway ‘yung episode mo. Kahit ikaw pa ang makiusap hindi ko iuurong ‘yung episode kasi pinaghirapan ko ‘yun eh, pinaghirapan ng staff.’
“‘Yun nga sinabi ni Jojo babayaran na lang daw niya ‘yung mga nagastos sa production. Sabi ko regardless, tapos na ‘yun eh, nabayaran na ‘yun eh. Hindi ko kailangang bayaran para lang itigil sabi ko.”
Hindi man niya napagbigyan ang pakiusap ni Claudine, umaasa itong magbabago ang kanyang isip.
“Sabi ko, hindi magtse-change ‘yung mind ko kasi wala namang masama sa interview. Sana mapanood ng mga tao para sila ang humusga. Sabi ko rin kay Claudine ikaw din Claudine panoorin mo. Bakit ka nagre-react, napanood mo na ba?”
Iginiit pa ni direk Rolnald na wala siyang ie-edit out sa mga sinabi ni Jojo sa interview.
Nang matanong namin kung ano ba ang nilalaman ng interbyuhan, nagbigay sa amin ng example si direk Ronald katulad nang uriratin niya ito ukol sa pakikipagrelasyon at tunay nitong kasarian.
Matapang pang tiniyak sa amin ni direk Ronald na handa siya sa demanda ni Jojo.
“Oo, sabi ko nga kahit magdemandahan kami. See you in court na lang.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com