Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan PHACTO

PHACTO naglabas ng public advisory para sa mga turista at manlalakbay

HABANG papalapit ang panahon ng tag-init at ang paggunita ng Semana Santa na inaasahang lalahok ang libo-libong mga turista at manlalakbay sa Bulacan, naglabas ng paalala ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) upang hikayatin ang mga bisita na pairalin ang kaligtasan, pananagutan, at paggalang habang tinutuklas ang mga makasaysayan, kultural, at pook-peregrinasyon sa lalawigan.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe at turista, pinapayohan ang mga bisita na maging maingat sa matinding init ng panahon sa pamamagitan ng pananatiling hydrated at pagdadala ng reusable na bote ng tubig sa kanilang paglalakbay.

Inirerekomenda rin ang pagsusuot ng magaan at komportableng damit, paglalagay ng sunscreen, at paggamit ng mga pananggalang tulad ng sombrero at sunglasses upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng init. Pinaaalalahanan din na iwasan ang matagal na pagbabad sa direktang sikat ng araw, lalo na mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon kung kailan pinakamataas ang temperatura.

Hinihimok ng PHACTO ang mga turista na sundin ang mga lokal na alituntunin at safety protocols sa mga pook-pamana, simbahan, dambana, at mga likas na atraksiyon sa buong lalawigan. Inaanyayahan ang mga bisita na igalang ang lokal na tradisyon at panatilihin ang wastong asal, lalo sa mga sagradong lugar at kultural na pook. Mahigpit na hinihikayat ang pagpapanatili ng kalinisan at wastong pagtatapon ng basura sa lahat ng lugar panturismo upang mapangalagaan ang mga yamang pangkasaysayan at pangkalikasan ng Bulacan.

Para sa mga peregrinong bibisita sa Bulacan ngayong Semana Santa, inirerekomenda ng PHACTO ang sapat na paghahanda sa mga gawaing panrelihiyon sa pamamagitan ng pagsusuot ng komportableng sapatos at pagdadala ng mahahalagang gamit tulad ng basic first-aid kit, power bank, at panangga sa ulan. Samantala, hinihikayat ang mga bumibisita sa mga museo, makasaysayang pook, at heritage districts na maglaan ng oras upang pahalagahan ang mayamang pamana ng lalawigan habang sinusuportahan ang mga lokal na inisyatiba sa turismo.

Inaanyayahan naman ni Limuel Jan J. Lobederio, nanunungkulang puno ng PHACTO, ang mga manlalakbay na tikman ang mga kilalang pagkaing lokal ng Bulacan, tuklasin ang mga likhang-kamay na produkto, at suportahan ang mga lokal na negosyo at artisan sa pamamagitan ng pagbili ng mga produktong gawang Bulakenyo.

“Hinahikayat din namin ang publiko na tangkilikin ang mga tourism establishments at serbisyo na akreditado ng Department of Tourism upang matiyak ang ligtas at maaasahang karanasan sa paglalakbay,” dagdag niya.

Pinaalalahanan ng PHACTO ang mga motorista at manlalakbay na unahin ang kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng maagang pagpaplano ng biyahe at pagsubaybay sa mga traffic advisory, lalo sa mga lugar na inaasahang makararanas ng matinding trapiko sa kasagsagan ng paglalakbay. Pinapayohan ang mga drayber na tiyaking maayos ang kondisyon ng kanilang sasakyan at mahigpit na sundin ang mga batas trapiko, habang ang mga commuter na gumagamit ng pampublikong transportasyon ay hinihikayat na gumamit ng mga awtorisadong serbisyo at maging mapagmatyag sa kanilang mga personal na gamit.

Sa oras ng emergency, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa Bulacan Rescue Hotline 911 o sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bulacan sa telepono bilang 0905-333-3319 o 0942-367-1455, o humingi ng tulong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tanggapan ng barangay. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …