Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Nanays Day Out

Para sa kalusugan ng kababaihan at kapakanan ng pamilya
300+ INA NAKIISA SA NANAY’S DAY OUT

MAHIGIT 300 nanay mula sa buong lalawigan ng Bulacan ang nagtipon-tipon sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan para sa “Nanay’s Day Out”, isang espesyal na programa na naglalayong palakasin ang mga dumalo sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan hinggil sa isyu ng kalusugan at pamilya.

Kabilang sa mga pangunahing paksa na tinalakay ang Family Planning na pinangunahan ni Elsie S. Sumera, Nurse I; HIV Awareness ni Annie M. Balingit, PEO II; Cervical Cancer Awareness ni Roland Bryan B. Tobias, Nurse I; at Women’s Rights at Ulirang Pamilya ni Dr. Eva M. Fajardo, Pangulo ng Panlalawigang Komisyon para sa Kababaihan ng Bulacan.

Sa kanyang mensahe na inihatid ng kanyang kinatawan na si Crispin de Luna, binigyang-diin ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mahalagang tungkulin ng mga nanay bilang pundasyon ng bawat pamilya at bilang ‘di kilalang bayani ng lipunan.

“Sa likod ng bawat matatag na pamilya at mga batang lumalaki nang may mabuting asal at pangarap sa buhay, naroon ang isang inang patuloy na nagsasakripisyo, nagmamahal, at gumagabay,” aniya.

Idiniin ng The People’s Governor na ang “Nanay’s Day Out” ay nagsisilbing mahalagang entablado upang kilalanin at pahalagahan ang mga nanay, habang pinalalakas ang kanilang kalusugan, talino, at tiwala sa sarili.

“Naniniwala po tayo na kapag ang mga ina ay malusog, may kaalaman at kompiyansa sa sarili, mas nagiging matatag ang buong pamilya. At kapag matatag ang pamilya, mas nagiging matibay ang pundasyon ng ating pamayanan at ng ating lalawigan,” dagdag niya.

Nabatid na nakinabang rin ang mga dumalo sa libreng family planning counseling, gayondin sa HIV counseling at screening ng Usbong ng Bulacan Inc. ng Bulacan Medical Center. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …