MATABIL
ni John Fontanilla
MAY libreng dance lesson ang maituturing na number one at pinaka-abalang dance group sa bansa sa dami ng ginagawang proyekto, ang D’ Grind sa Baliwag, Bulacan na hatid ni Mayora Mommy Sonia Estrella.
Post ni Mayora Sonia sa kanyang Facebook.
“Mga anak, isabak na ang mga chikiting sa matinding sayawan! Hatid sa atin ng D’ Grind ang Free Dance Class para sa mga kabataang Baliwagenyo!
REGISTRATION LINK AND OTHER DETAILS: ⬇️⬇️⬇️
Limited slots only!”
Post naman ni Coach Jobel Dayrit sa kanyang Facebook.
“Maraming salamat po Mommy Mayora Mommy Sonia Estrella.
Tara po!!! sayawan na tayo sa Bulacan!💃🏼💃🏼💃🏼💯🤗❤️.”
Isa ito sa paraan ni Coach Jobel at ng kanyang D’ Grind para mai-share nila sa publiko ang kanilang talento sa pagsasayaw at pasasalamat na rin sa dami ng blessings na dumarating sa kanila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com