Thursday , March 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PDEA BoC Customs

Gera vs droga pinaigting pa ng PDEA, BOC

HIGIT na pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BoC) ang kanilang kasunduan kaugnay sa estratehikong kampanya laban sa ilegal na droga na nakapapasok sa bansa.

Ito ay matapos magkasundo sa panibagong kolaborasyon ang dalawang ahensiya sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan nina PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez at BoC Commissioner Ariel F Nepomuceno kahapon, 26 Pebrero 2026, sa PDEA National Headquarters sa Quezon City.

Sa MOA, binanggit na pagbubutihin ng PDEA at BoC ang kanilang koordinasyon sa operasyon sa pamamagitan ng advanced information-sharing, integrated systems, at magkasanib na pagsisikap na tumutuon sa smuggling, importation, transportasyon, at transshipment ng mga mapanganib na droga at mga kontroladong precursors at essential chemicals (CPECs).

Binigyang-diin sa MOA ang digital innovation bilang pundasyon ng seguridad sa hangganan. Ang parehong ahensiya ay magpapatupad ng mga integrated database, pre-shipment inspection systems, at mga modernized scanning facility, na gagawing mas matatag at hindi madaling maapektohan.

Isa sa prayoridad ng pinagtibay pang kasunduan ay ang pagtatatag ng isang Drug Interdiction Task Group upang pagyamanin ang mas malapit na kolaborasyon sa pagitan ng PDEA at BoC.

“Ang pagpupuslit ng droga ay isang komplikado at umuusbong na banta. Tinitiyak ng nagkakaisang aksiyon sa lahat ng implementing agencies na ang bawat pagkakataon na pagsamantalahan ang ating mga hangganan ay sinasalubong ng mabilis at mapagpasyang aksyon,” pahayag ni Dir. Gen. Nerez. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …

DMW Department of Migrant Workers Middle East

Airstrike sa Saudi ipinaskil sa socmed Pinoy inaresto 

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang inaresto sa Saudi Arabia nang kanyang ipaskil sa social …

SM FTSFI Felicidad Sy Hall

Felicidad Sy Foundation Unveils Digital Transformation Center to Empower Future-Ready Learners

A new chapter in education and opportunity began with the unveiling of the Felicidad Sy …

DOST-NRCP

DOST urges PH researchers toward responsive, cross-sector research

The Department of Science and Technology urged the Filipino research community to commit to a …