Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
fetus sewage NAIA

Fetus sa sewage facility ng eroplano nadiskubre

NATAMBAD sa mga awtoridad ang isang fetus sa loob ng sewage treatment facility ng isang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang isinasagawa ang regular na paglilinis at pagproseso ng waste materials mula sa mga eroplano.

Nabatid na kinokolekta ang mga waste material mula sa aircraft lavatories at dinadala sa sewage treatment facility bago tuluyang itapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang maaaring nagmula ang fetus sa isa sa mga flight na dumating sa NAIA Terminal 1 madaling-araw kahapon.

Limang eroplano ang kasalukuyang sinusuri ng mga awtoridad bilang bahagi ng kanilang pagtukoy sa pinagmulan ng insidente.

Batay sa nakalap na impormasyon, posibleng nailuwal ang fetus habang nasa ere ang eroplano at itinapon sa aircraft lavatory.

Sa kabila nito, wala pang opisyal na kompirmasyon hinggil dito at patuloy ang masusing imbestigasyon ng airport security at iba pang kinauukulang ahensiya.

Nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng NAIA sa mga concerned airline personnel upang matukoy ang mga detalye ng pangyayari, kabilang ang flight manifests at iba pang mahahalagang impormasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …