Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
18 ex-marine soldiers romualdez

18 Ex-Marine soldiers kompirmadong naghatid ng male-maletang salapi kay dating Speaker Martin Romualdez

KINOMPIRMA ng 18 dating sundalo ng Marines ang naunang akusasyon ni Orly Guteza na nagdala siya ng pera kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez galing sa kickbacks mula sa flood control projects.

Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan, sinabi ni Baligod na ilang beses nagdala ang mga sundalo ng male-maletang pera na aabot sa P805 bilyon kay Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Forbes Park at Paoay, Ilocos Norte.

Naglabas si Baligod ng mga larawan na nagpapakita ng maraming maleta na ginamit sa pagdadala ng pera.

Sinabi rin ni Baligod na ginamit pa sa paghahatid ng pera sa iba’t ibang politiko ang eroplano ni Co.

Nauna nang sinabi ni Guteza na nagdala siya ng 46 maleta ng pera kay Romualdez at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Inihayag ni Baligod na nakatanggap siya ng balita na si Guteza ay umalis na ng bansa.

Kasalukuyang iniimbestigahan sa Senado ang maanomalyang flood control projects.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …