Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valenzuela City shabu lab

Sa Valenzuela City  
SHABU LAB NADISKUBRE

ISANG nakatagong shabu laboratory ang natuklasan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite Provincial Office, PDEA Regional Office-National Capital Region-Northern District Office, at Valenzuela City Police Station sa pamamagitan ng isang buybust operation sa isang high value drug personality sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, dakong 4:15 ng madaling araw kahapon nang isagawa ang buybust operation na nagresulta sa pagkadakip kay alyas John, 30 anyos, ng Cubao, Quezon City.

Nakompiska mula sa suspek ang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500,000 at buybust money.

Sa pagkakadakip kay John, nadiskubre ang  clandestine drug laboratory na sinabing matagal nang nag-o-operate sa lugar.

Inaalam ng pulisya ang posibleng lawak ng operasyon ng nasabing shabu lab at kung sino ang may-ari ng lugar.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 8 (Manufacture of dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II of Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …