Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
P200-M Cigarettes manufacturing machines Tanza, Cavite

P200-M produktong tabako, manufacturing machines kompiskado sa Tanza, Cavite

SA PATULOY na operasyon ng mga awtoridad laban sa nga ilegal na sigarilyo, nakompiska ng Bureau of Customs (BoC), katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG), ang tinatayang nasa P200 milyong halaga ng illicit cigarette, manufacturing equipment, at raw materials, sa isinagawang joint inter-agency operation sa Cavite.

Sa pahayag, nabatid na ang operasyon ay isinagawa ng BoC, alinsunod sa Letter of Authority No. 02-18-023-2026 at Mission Order No. 02-18-028-2026, nang makatanggap ng intelligence information na nagsasaad ng posibleng paglabag sa Republic Act No. 10863, o The Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Republic Act No. 12022, o mas kilala sa tawag na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Dagdag na ulat ng BoC, ang joint operation na pinangunahan ng kanilang Intelligence Group, sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), ay sinuportahan ng mga elemento ng AFP Intelligence Units, PNP-CALABARZON, Criminal Investigation and Detection Group – Cavite, Bureau of Fire Protection-Tanza, at Local Government Unit ng Tanza, ay ikinasa sa isang warehouse na dating ginagamit bilang imbakan ng mga delata.

Sa inisyal na pagtaya, kabilang sa mga nakompiska ay 11 suspected cigarette manufacturing machines, dalawang generator sets, isang forklift, at 10 brands ng mga finished cigarette products, kabilang ang Champion, Marl­boro, Canon Menthol, New Orleans, Bros, New Berlin, Commando, Delta, at Troy, na sasailalim sa final inventory at verification.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …