Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diane Marie Mollenido John Ysmael

Suspect no. 5 sa pagpatay sa lady cop at anak sumuko

HATAW News Team

ISA pang suspek ang sumuko sa pagpaslang sa lady cop  

na si PSenior Master Sargent Diane Marie Mollenido at sa kanyang 8-anyos anak na si John Ysmael.

Kinilala bilang alyas Maribel, ang sumukong ika-limang suspek ay kapatid ni Christian Panganiban na isang dismissed police at asawa ni Pia. Nasa kustodiya din ng QCPD si Gil Valdemoro Dy at si PSMS John Mollenido.

Lumilitaw na kasama si “Maribel” sa nagbalot ng bangkay ng mga biktima at naglinis ng crime scene.

“Hindi na po kasi kaya ng konsensiya ko,” ani Maribel.

Huling nakitang magkasama ang mag-ina noong 16 Enero at opisyal na iniulat na nawawala noong 19 Enero.

Noong 24 Enero, unang natagpuang wala nang buhay si Diane sa isang sapa sa Pulilan, Bulacan, na may tama ng bala sa ulo at nakabalot sa plastic ang naaagnas nang bangkay at noong 29 Enero naman, natagpuan ang bangkay ni John Ysmael sa isang taniman ng kalamansi sa Victoria, Tarlac, gaya sa kanyang ina, ibinalot din sa plastic ang bangkay ng bata.

Sa naunang imbestigasyon, nabatid na nagtungo ang mag-ina sa Quezon City upang makipagkita sa car agent na si Pia kaugnay ng bentahan ng sasakyan. Si Pia ay inaanak sa kasal ni Diane.

Si Pia ay asawa ng sinibak na pulis na si Christian Panganiban.

        Sa pag-usad ng imbestigasyon, pinasok ng mga awtoridad ang bahay ng car agent sa Quezon City, sa bisa ng search warrant. Doon ay nakakita ng mga bakas ng dugo, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa krimen.

Gumamit ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng metal detector habang hinahalughog ang damuhan sa kahabaan ng Pulilan–Baliuag Bypass Road para sa baril na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay kay P/SMS Mollenido at sa kanyang anak.

        Nabatid din na isang pulis-QC ang na-scam ni Pia ng halagang P300,000.

        Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na resolbado na ang kaso sa pagpaslang sa mag-inang Mollenido at pinasasampahan ng kasong double murder ang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

USTNAI Senen Cabalfin Gandang Lola

Gandang Lola Year 3 Medical Mission Naghatid ng Pagaling, Saya, at Dignidad sa Elderly Community

NAGSAMA-SAMA ang malasakit, pag-aaruga, at selebrasyon sa Little Sisters of the Elderly habang matagumpay na …

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …

Camila Osorio Donna Vekic PWO

Vekic tinalo sa tatlong set
Osorio itinanghal bilang kauna-unahang kampeon ng Philippine Women’s Open

NAGPAKITA ng katatagan at husay ang Colombian na si Camila Osorio matapos makabawi mula sa …