Saturday , March 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation (DVOREF) College of Law sa hanay ng mga pinakamahuhusay na law schools sa buong Pilipinas.

Base sa datos na inilabas ng Supreme Court nitong January 7, 2026, ang DVOREF ang itinanghal na 4th top-performing law school nationwide (para sa mga paaralang may higit sa 100 candidates). Nakakuha ang eskuwelahan ng kahanga-hangang 80.19% passing rate para sa mga first-time examinees.

Isang malaking “breakthrough” ito para sa bansa dahil ang DVOREF ang tanging law school mula sa probinsiya na nakapasok sa Top 5 ng kanilang kategorya. Sa kabuuang 106 na kumuha ng exam, 85 ang pumasa, dahilan para makatabi ng DVOREF ang mga dambuhalang unibersidad sa Manila.

Ilan sa Top Law Schools (na more than 100 First-Time Candidates): Ateneo de Manila University; University of the Philippines; University of Santo Tomas; DVOREF College of Law; San Beda College of Law – Alabang.

Ang DVOREF College of Law ay pinamumunuan ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez. Bilang isang abogado na nagtapos sa UP College of Law, layunin ni Romualdez na itaas ang kalidad ng edukasyon sa labas ng Metro Manila.

“Ang tagumpay na ito ay patunay na ang excellence sa legal education ay hindi lang para sa Metro Manila,” ani Romualdez. “Ipinakita nito ang galing at sipag ng mga estudyante natin sa Leyte at Visayas. Patunay ito na basta’t tama ang mentorship at disiplina, kayang makipagsabayan ng ating mga regional graduates sa pinakamahuhusay sa bansa.”

Pinasalamatan din ni Dean Romualdez ang buong komunidad ng DVOREF. 

Nagpapasalamat ako sa ating administrative staff, faculty members, mga magulang, at lalo sa ating mga estudyante. Shared victory natin ito.”

Ang “Performance of Law Schools” report ng Supreme Court ang nagsisilbing official benchmark para sa kalidad ng mga law school sa bansa. Sa paglampas ng DVOREF sa maraming sikat na paaralan sa Maynila, napatunayan nito na ang Leyte ay isang sentro ng karunungan sa batas.

Dalawang araw matapos ang 2025 Bar cycle, ang balitang ito ay nagdala ng ‘good vibes’ at inspirasyon sa lahat ng mga taga-Leyte at sa mga katuwang sa larangan ng batas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan spay castration Rabies Awareness Month

Bulacan PVO, pinangunahan ang nationwide spay at castration project ngayong Rabies Awareness Month

SA PAGDIRIWANG ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa …

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …