MATABIL
ni John Fontanilla
ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang Sparkle Artist na si Will Ashley na napakahusay sa dalawang pelikulang kasama ito, ang Bar Boy: After School at Love You So Bad.
Marami ang pinahanga at pina-iyak si Will sa Bar Boys dahil sa malalim niyang pagganap bilang Arvin.
Ayon nga kay Ogie Diaz, “Punyeta tong si Will Ashley, pinatulo ang luha ko! Naawa ako sa kanya na isang working law student. Gusto ko tuloy siyang paaralin. Buti na lang, naalala ko, role lang pala ‘yung kanya, hahaha! Pero wa echos, ang husay ni Will.”
Kung mahusay ito sa Bar Boys: After School ay ‘di rin matatawaran ang galing nito sa Love You So Badkasama sina Bianca De Vera at Dustin Yu.
‘Di man ito nagwagi sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2025 ay wagi naman ito sa puso ng mga manonood na napabilib nito sa malalim at mahusay niyang peformance sa dalawa niyang pelikula.
Maituturing ngang ang taong 2025 ay taon ni Will na sana’y magpatuloy sa 2026 at sa mga susunod pang mga taon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com