MATABIL
ni John Fontanilla
DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m Perfect ni direk Sigrid Andrea Bernardo na isa sa entry sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Ayon kay Sylvia, “From day 1, hindi ako nag-alangan, kasi alam n’yo kung bakit? Mayroon akong nakakausap.
“Lumaki ako na ‘yung best friend ko, may down syndrome, mayroon akong pamangkin na may cerebral palsy.
“Naloloko ko pa nga, nauuto pa ako. ‘Yung mga anak ko, si Chao-Chao, na-meet nila ‘yon.”
Dagdag pa nito, “Dapat silang ipagmalaki, ito na ‘yung movie na hindi ko bibitawan, ito ‘yung movie na mag-o-open sa lahat.
“Napakasama na lang ng puso mo kung ‘di mo ma-open ‘yung puso at iisipan mo, bato ka na lang.”
At perfect choice para sa kanya ang mga artistang kasama sa movie.
“Hindi ako nagkamali sa bida ko, sa mga barkada. Hindi ako nagkamali sa cast, kahit na maliit ang role, ang galing po talaga.
“Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat, hindi namin ito ginawa para purihin.
“Gusto naming sabihin sa inyo na tanggapin natin silang lahat dahil tao rin sila. Karapat-dapat silang mahalin,” wika pa ni Sylvia.
Hindi nga nito naiwasang maging emosyonal dahil noong mga panahon na may pinagdaraanan ang kanyang pamilya ay nagmistulang anghel ang mga batang Down Syndrome.
“During our downtime, emotionally downtime ng pamilya, mayroon kaming 10 anghel na naka-cover sa amin, hindi lang sila, pati pamilya nila.
“‘Yun pala ang rason, nagpapasalamat ako sa Diyos, at lahat sila na kinuha namin, nakabantay sa amin.
“May rason ang pelikulang ‘to!”
Kaya naman sa ganda ng pelikula at sa husay ng mga artistang kasama lalo na ng mga down syndrome actors, masasabi naming perfect movie ito ngayong Kapaskuhan.
Makakasana nina Krystel Go at Earl Amaba sa I’m Perfect sina Joey Marquez, Janice de Belen, Tonton Gutierrez, Zaijian Jaranilla, Sylvia, at Lorna Tolentino, hatid ng Nathan Studios.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com