MATABIL
ni John Fontanilla
UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold out reunion concert ng Sexbomb Girls na Get, Get Aw! 1 and 2.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Rochelle ang labis-labis na kaligayahan at pasasalamat sa mga taong nanood ng kanilang magkasunod na concert.
Post ni Rochelle sa IG, “Hindi pa rin ako makapaniwala… Nasa cloud 9 pa rin ako hanggang ngayon! Totoo ba talaga ‘to?
“Hinamon n’yo kami — at buong puso namin itong tinanggap. At noong dumating kayo sa venue… sobra kayong nagpakita ng pagmamahal.
“Hindi pa man nagsisimula ang opening, ramdam na ramdam na namin ang energy n’yo. Nagso-showdown agad! Perfect crowd.
“Kaya lalo kaming ginanahan. Kung 100 ang energy namin, ginawa naming 300 — kasi ganoon kayo sa amin.”
Hindi nga nito maiwasang maluha sa tagumpay ng kanilang concert.
“At oo, naiyak ako. Kahit anong tago ko, tumulo pa rin. Salamat dahil sinamahan n’yo kami mula noon… hanggang ngayon, Salamat sa lahat na lumaki kasama ang SexBomb,” sabi pa ni Rochelle.
Nagpasalamat din ito kay Dingdong Dantes na naging guest sa kanilang concert.
“Hindi tayo binigo ng guests natin, ang lala!! Sa Primetime King Dingdong Dantes. Hataw kung hataw! Noong niligawan ka namin sa FF akala namin noong nag -oo ka ay joke lang.
“Tinototoo mo nga a ng ‘pag guest! Grabe ka! Kinarir ang lyrics,costume at kinarir ang performance.
“Nostalgia ang paglabas po ninyo! Rehearsal pa lng.. tina-try ko maging ok pero na-starstruck po ako sa presence n’yo.
“At sa asawa ko, @art_solinap. Maraming salamat sa tulong mo bhe! Ang galing mo pa rin sumayaw! Hahah! Nakita mo lahat journey ko sa concert na ito. I love you. Naiyak ‘yan. Pinigilan n’ya lang,” wika pa.
Naging espesyal na panauhin din sa reunion concert ng Sexbomb sina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, at Antonio Aquitania na muli ring nagsama-sama bilang Sexballs na sumikat sa Bubble Gang, Mark Bautista, Joshua Zamora, rapper Elias, at ang EB Babes.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com