MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA si Fifth Solomon dahil blockbuster ang kanyang pelikulang Lasting Moments na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at JM De Guzman, hatid ng Passion 5.
Nasa ikaapat na linggo na ang pelikula na bihira sa isang Tagalog movie na minsan ay umaabot lang ng isa o dalawang linggo sa mga sinehan. Kaya naman sobrang thankful si Fifth dahil nasa pang-apat na linggo na ito at marami pa rin ang nanonood.
Post nga nito sa kanyang Facebook: “Umabot pa nga tayo ng 4th Week sa mga Piling Sinehan. Kung ‘di nyo pa napanood, go watch na! #LastingMoments “
Hindi nga inakala ni Fifth na tatangkilikin ng mga manonood ang kanyang pelikula lalo na’ t naatras ang showing nito at may mga foreign film na kasabay na palabas.
Kaya naman nagpapasalamat ito unang-una sa Diyos sa tagumpay ng kanyang pelikula at pangalawa sa mga taong tumangkilik.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com