MATABIL
ni John Fontanilla
PROMISING ang protegee ni Direk Jun Miguel na si Nicole Al Amiier na napanood namin sa advocacy film na ‘Aking Mga Anak na hatid ng DreamGo Productions at Viva Films.
Bukod sa maganda ay napakahusay ni Nicole umarte. Ginampanan nito ang role bilang si Mary na kapatid ni Natasha Ledesma na madasalin at malaki ang pananampalataya sa Diyos.
Masaya nga si Nicole na makasama sa pelikula sina Hiro Magalona, Patani Dano, Ralph Dela Paz, Klinton Start, Art Halili Jr., Sarah Javier, Andrea Go, Prince Villanueva atbp..
Ang pelikulang Aking Mga Anak ay pinagbibidahan nina Jace Fierre, Madison Go, Candice Ayesha, Juharra Asayo, at Alejandra Cortez.
Mapapanood na ito sa Sept 3, sa mga sinehan nationwide at ipalalabas din ito sa iba’t ibang eskuwelahan sa buong Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com