MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMING nagulat sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Philanthropist at Celebrity Businesswoman na si Cecille Bravo sa advocacy film na Aking Mga Anak hatid ng DreamGo Productions ni Mr JS Jimenez at Viva Films, sa direksiyon ni Jun Miguel.
Revelation nga ang husay at lalim sa pag-arte ni Tita Cecille na baguhan lang at walang pormal na background o workshop sa acting.
Sa pelikulang Aking Mga Anak ay ginagampanan ni Tita Cecille ang role bilang si Aling Asaph na mataray at matapang na nagmamay-ari ng paupahan at may mga ampon na pinag-aaral at dalawa dito sina Klinton Start at Prince Villanueva.
Pero sa likod ng pagiging matapang at mataray ay mayroong busilak at mapagmahal na puso at ‘yun ang isa sa ipinakita sa pag-usad ng pelikula.
Maituturing na second movie na ito ni Tita Cecille na may cameo role sa pelikulang Collab na pinagbidahan nina Alexa ilacad, KD Estrada, Jameson Blake, at Kira Baringer. Pero rito sa pelikulang Aking Mga Anak ay mas mahaba at challenging ang role ni Tita Cecille na nagampanan nito ng buong husay.
Makakasama ni Tita Cecille sa Aking Mga Anak sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dan̈o, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Art Halili Jr., Nicole Al Amiier at ng mga bageta na sina Jace Fierre, Juharra Zhianne Asayo, Alejandra Cortez , Madisen Go, at Candice Ayesha.
Mapapanood ang pelikula sa September 3, sa mga sinehan nationwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com