MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPALUHA ng maraming nanood ang mga batang bida sa advocacy film na Aking Mga Anak na sina Jace Fierre, Juharra Zhianne, Alejandra Cortez, Madisen Go, at Andice Ayesha.
Sa naganap na premiere night ng Aking Mga Anak na ginanap sa SM Megamall Cinema 2 kamakailan ay pinahanga ng mga bagets ang mga manonood sa husay ng mga itong umarte.
Ang Aking Mga Anak ay istorya ng limang magkakaibigang bata na may kanya-kanyang kuwento sa kanilang mga pamilya.
Maraming aral ang makukuha sa pelikula ng mga magulang, mga anak, at kaibigan.
Mahusay din sa Aking Mga Anak sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Prince Villanueva, Patani Dan̈o, Klinton Start, Ralph Dela Paz, Art Halili Jr., at Ms. Cecille Bravo.
Magkakaroon ang Aking mga Anak ng advance screening sa SM IloIlo sa August 9 & 10, habang sa September 3, ang showing nito nationwide. Hatid ng DreamGo Productions ni JS Jimenez at ng Viva Films, directed by Jun Miguel.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com