MATABIL
ni John Fontanilla
MUST watch ang pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa mahusay ang mga artistang kasama ay napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula.
Ang Mga Munting Tala sa Sinagtala ay pinagbibidahan nina Ryrie Sophia, Richard Kuan, Jeffrey Santos, Miles Poblete, Shira Tweg, Potchi Angeles, Patani Dano at iba pa.
Ayon kay Direk Errol, “Itong pelikula ay isang kuwento pero magkaibang pelikula. Ginawa namin para sa mga elememtary at mas batang edad, 11 pababa, kasi magkakaroon kami ng Campus Tour iiikot namin ito sa buong Pilipinas.
“So may iba-iba kaming ino-offer sa kanila, so ang ‘Munting Tala’ ay para sa mga mas batang audience. Ito po ‘yung mga kuwento ng kabutihang asal na madaling maka-relate ang mga batang audience, mas magaan ang kuwento.
“’Di tulad sa ‘Sinagtala’ na nag-focus about family sa gitna ng kahirapan, ‘yun ang makikita natin.
“Ang importante po sa dalawang version nito ‘yung kahalagahan ng edukasyon.”
Ang nasabing pelukula ay lilibot sa iba’t ibang eskuwelahan sa buong Pilipinas kasabay ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.
Isinusulong ng pelikulang ito ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga kabataan para magkaroon ng magandang buhay.
Muli ang Mga Munting Tala sa Sinagtala at mula sa mahusay na direksiyon ni Errol Ropero, hatid ng Mamu’s Talent House Agency & Camerrol Entertainment Productions.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com