Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KMPC Kawasaki Motors Atty John Bonifacio

Hiling sa DOLE
KAWASAKI MOTORS NAIS IDEKLARANG ILEGAL, WELGA NG UNYON
Opisyal, BOD ipinasisisbak 

080625 Hataw Frontpage

NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board (NCMB) tungkol sa Petition nito para ideklara ang illegal strike at tanggalin sa trabaho ang mga opisyal ng Kawasaki United Labor Union (KULU) na nanguna sa strike mula noong 21 Mayo 2025 na nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC).  

Sa 17-pahinang counter manifestation ng KMPC, inisa-isa ng management ang lahat ng maling paratang ng KULU para bigyang katuwiran ang kanilang inilunsad na strike na ngayon ay nasa ika-76 araw na.  

Ayon kay Atty. John Bonifacio, external counsel ng KMPC, malinaw na nilabag ng KULU ang “no strike no lockout” clause sa kanilang collective bargaining ggreement (CBA) na nakasaad sa ilalim ng Article XVII, Section 1, may petsang 24 May 2022.  

Aniya, pinapayagan sa ilalim ng Article 279(a) ng Labor Code na tanggalin ang mga union officers na nagpartisipa sa illegal strike.  

Sinabi ni Atty. Bonifacio na 10.50% + P50.00 ang kabuuang increase na nais ng KULU mula sa KMPC na “financially unsustainable” base sa kasalukuyang sitwasyon ng kompanya.

Kung ikokompara lubha itong mas mataas sa 6% increase na iginawad ng kompanya kamakailan para sa kanilang Supervisory Union na mayroong hiwalay na CBA.  

Ipinaliwanag ng KMPC sa NCMB na masyadong mataas ang wage demands ng KULU, kabilang sa hiling ng unyon ay 10.50% annual salary increase para sa 1 Hulyo 2024, 2025, at 2026; dagdag na P50.00 kada buwan sa basic pay, uniform provision mula 3 ay gawing 5; May 1st Assistance mula P10,000 ay gawing P15,000; Matrimonial leave na 3 ay gawing 5 araw; Funeral assistance sa namatay na empleyado na P75,000 ay gagawing P100,000 at sa mga family member ay P50,000 mula sa dating P25,000; Bereavement at Emergency Leave na gagawing 7 araw; perfect attendance incentive na P3,000 kada taon at P400 kada buwan; Motorcycle loan discount na gawing 30% mula sa 11%; educational assistance na gagawing P10,000 mula sa P5,000 at signing bonus na P25,000.

Wala rin batayan ang alegasyon ng KULU na mayroong sapat na kita ang KMPC na P162 milyon kada taon at P21 milyong bank deposits para matugunan ang kanilang mga hiling na dagdag sahod at benepisyo.

Inamin ng KMPC na mula 2020 hanggang 2024 ay nasa P688 milyon ang nalugi sa kanila resulta ng pandemic at ang kanilang financial statements ay kanilang isinumite sa NCMB at NLRC para mapatunayan ito.  

Ang CBA negotiation ng KULU at KMPC ay higit isang taon na sa NCMB at bilang pagpapakita ng “good faith” ay inaprobahan ng management ang ilang demands ng unyon maliban sa 10.5%+ P50 increase dahil ang kaya lamang ng kompanya ay hanggang 5%, dahil  kung hindi magsasara na ito bilang resulta ng pagkalugi.  

Depensa ng KMPC, sa kabila ng pagkalugi ng kompanya sa nakalipas na mga taon ay hindi ito nagsagawa ng layoffs bilang konsiderasyon sa kanilang mga empleyado, nagsagawa ng cost-saving measures ang kompanya kabilang rito ang pagpapasara sa 14 Kawasaki Service Centers (6 sa Luzon, 8 sa Visayas-Mindanao) sa layunin na makatipid ng P2.6 milyon kada taon.  

Hiniling ng KMPC sa NLRC na maresolba na ang illegal strike at mapanagot ang nasa likod nito para maibalik na sa normal ang operasyon para sa kapakanan ng lahat ng stakeholders.  

Ang KMPC na ang mother company ay nasa Japan ay may 60 taon nang nagnenegosyo sa Filipinas at ngayon lamang nagkaroon ng strike sa kanilang CBA. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …