MATABIL
ni John Fontanilla
SA wakas, ipalalabas na sa mga sinehan sa July 30 ang pelikulang Lasting Moments na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at JM De Guzman at sa mahusay na direksiyon ni Fifth Solomon.
Ang Lasting Moments ay tungkol sa love story nina Pia na ginampanan ni Sue at Aki (JM) na dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon.
Napakahusay ng pagkakahabi ng kuwento ng istorya ni lna Pia at Aki, maraming Filipino ang talaga namang makare-relate sa movie.
Isa ako sa daan-daang nakapanood ng advance screening nito at isa rin sa naiyak sa ganda ng pelikula.
Napakahusay nina Sue at JM sa movie, kaya naman sa mga manonood magbaon ng panyo, pamunas ng inyong luha.
Mahusay ang pagkakasulat at pagkakadirehe ni Fifth sa pelikulang ito. Madadala ka sa mga dramatic at confrontation scenes nina Sue at JM.
Palabas na sa July 30, 2025 ang Lasting Moments in Cinemas Nationwide. Panoorin hatid ng Passion 5.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com