MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang maging emosyonal at maluha ni Vice Ganda sa sweet messages ng kanyang co-star sa pelikulang Call Me Mother na entry sa 2025 Metro Manila Film Festival ng Viva Films, IdeaFirst Company, at Star Cinema na si Nadine Lustre.
Sa isang segment ng It’s Showtime ay ipinagdiwang ang pagpasok ng pelikulang Call Me Mother sa 51st Metro Manila Film Festival.
At dito nga ay isa sa nagbigay ng video message ang awardwinning actress at inalarawan niya ang pagiging caring at compassionate ni Vice kaya. di mapigilang maluha sa narinig nitong mensahe at papuri sa kanya.
Very excited na nga si Nadine na muling makatrabaho si Vice after ten years. Nagkasama sina Nadine at Vice with James Reid sa pelikulang Beauty and the Bestie na naging bahagi rin ng 2015 MMFF.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com