Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Cannes

Alemberg sinupladuhan si Sylvia, napagkamalang hao siaoprodu

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ng multi-awarded actress at film producer Sylvia Sanchez kung paano nabuo ang collaboration nila ng international film producer na si Alemberg Ang.

“First year ko sa Cannes, nag-o-observe ako as producer dahil gusto ko matuto. Na-meet ko siya (Alemberg Ang), itinuturo siya ng mga Pinoy, ‘‘yan si Alemberg, producer matagal na nagpo-produce, maraming alam ‘yan dito.’ So noong nandoon ako on my first year nilapitan ko siya. Wala lang sinabi ko sa kanya, ‘hi Allen kung mayroon kang movie for Cannes sali ako co-prod tayo, mag-coprod ako tapos doon na nag-umpisa,” pagbabahagi ni Sylvia nang makahuntahan namin sa Solaire North Edsa.

Dagdag pa ng premyadong aktres, “Actually nakatatawa nga kasi noong nagsabi ako sa kanya tinapunan ako ng isang poker face, na parang ‘ah  sige okey, okey,’ ganoon lang siya nakapako ‘yung smile niya.

“So ako naman wala naman akong pakialam sa mga ganoon. Pero mayroon akong naririnig na si Alem okey ‘yan magaling na producer, pero suplado ‘yan.

“So siyempre kahit naman artista ako hIndi rin basta naniniwala sa mga sinasabi, basta lumapit ako sa kanya. ‘Kunin mo ako ‘pag kailangan mo ng co-producer,’ ‘yun lang.

“Then the following year 2022 nagkita kami ulit nandoon siya mabait siya. Sinabi ko sa kanya na, ‘hoy okey pa rin ako sa gusto kong makipag-collab ha.’ Then sabi niya ‘ayan na nga, tama ‘yung natanggap kong reaction na natanggap sa kanya.’ Ay mayroong ‘ano to, totoo nga supladito ito na binigyan niya na ako, na okey, at least ako naman wala akong pakialam kahit supladuhan mo ako. Kahit sinong suplado mas natsa- challenge ako sa ganoon, hindi ako takot sa ganoon.

“Kasi mayroon pa bang susuplado sa asawa ko (Art Atayde), kasi araw-araw kong kasama so ‘di ba, so roon na siya naniwala,” pagkukuwento pa ni Sylvia ukol sa first meeting nila ni Alemberg. 

Tugon naman ni Alemberg, “Kasi parang andami na kasing lumapit sa akin before. Tapos parang ‘yung unang introduce pa niya (Sylvia), sinabi niya sa akin, kung may pelikula kang magka-Cannes…ganoon kadali? Eh hindi naman siya ganoon kadali.

“Tapos ako ilang taon na akong nag-i indie, hirap na hirap din ako tapos ganoon ang tanong. I think that year kasi was the year I have Plus 75 sa Cannes. So noong nakita ko siya ulit, ‘ah parang seryoso, nandito siya ulit hindi siya ‘yung pumunta lang ng isang beses.”

Sundot muli ni Sylvia, “Base kasi ‘yung reaksiyon niya sa mga na-meet niya na ia-approach siya, maraming hao siao.

“Hindi ganoon siya, parang anong ginagawa nito rito? Wala naman itong pelikula. Kasi ‘di ba ang normal sa atin na kapag ang isang artista na Pinoy na nasa Cannes mayroon siyang entry, eh ako keber gusto ko roon, gusto ko  maging producer hindi niya alam.”

Nakita raw ni Alem na idinistribute ni Sylvia (Nathan Studios) ang mga pelikulang Monsters na isang Japanese  Film na winner ng Cannes at ipinalabas sa Pilipinas at Topakk kaya naman sineryoso niya ang actress/producer at doon na nagsimula ang kanilang collaboration via Renoir na naging nominado sa Cannes Film Festival 2025 main category.

Memorable para kay Sylvia ang pagrampa sa red carpet ng Cannes Film Festival 2025 dahil sa maraming Hollywood celebrities na nakita na kasabay naglakad.

Kuwento pa ni Sylvia, may mga invitation na sila para sa iba pang international festivals, at ipalalabas ang Renoir sa Japan, France, Pilipinas at sa iba pang bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …