MATABIL
ni John Fontanilla
GAGAWA ng pelikula si Claudine Barretto sa film production ni Nunungan, Lanao Del Norte Vice Mayor Marcos Mamay.
Isang action drama ang pelikulang gagawin na tungkol sa buhay ni Vice Mayor Mamay at ng mga Filipinong OFW sa Dubai, na magkakaroon ng special participation ang vice mayor.
Aminado si Claudine na drama ang kanyang forte pero minsan na rin siyang sumabak sa action with Robin Padilla. At this time, gagawa muli siya ng aksyon para kay Vice Mayor Mamay na isa sa itinuturing niyang pinakamalapit at totoong kaibigan.
Request lang ni Claudine na sa movie na gagawin nila bilang part 2 sa naunang life story movie ni Vice Mayor Mamay ay maipakita pa ang other side nito. Tulad ng kung gaano ito kabait at napakahusay na lider at kung gaano ito kamahal ng mga taga- Nunungan, Lanao Del Norte.
Excited na daw si Claudine na gawin ang pelikula at makatrabaho sa unang pagkakataon sina Jeric Raval, Ynez Veneracion at iba pang magiging casts ng movie na pinag iisipan pa ang magiging title.
Gusto din daw ng aktres na libutin at mapuntahan ang magaganda at makasaysayang lugar ng Nunungan Lanao Del Norte.
Ilan sa makakasama ni Claudine sa movie sina Jeric Raval, Keanna Reeves, Ynez Veneracion, Andrew Gan, Brian Scott Lomboy, Pia Moran, Katrina Paola atbp.. sa direksiyon ni Neal Buboy Tan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com