Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Francine Diaz She Who Must Be Named 

Seth Fedelin pressured sa movie nila ni Francine Diaz  

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI raw maiwasan ma-pressure ng Kapamilya actor na si Seth Fedelin sa magiging resulta sa takilya ng pangawalang solo movie nila ni Francine Diaz, ang She Who Must Be Named lalo’t blockbuster sa 2024 Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikulang My Future You na nagbigay din ng award (Breakthrough Performance Award).

Ayon nga kay Seth sa media launch and storycon ng pelikulang She Who Must Be Named na ginanap sa Common Ground, “Yes sobrang laking pressure ‘yung naidulot ng ‘My Future You’ sa  amin. Actually ‘di lang ako, lahat kami. ‘Yung team namin, ‘yung mga kasama namin lahat kami napi-pressure.

“Pero rito makikita na kaya talaga namin, and I think kapag pinagtulungan naman ng lahat productions, cast and fans, magagawa namin.”

Sa movie ay gagampanan ni Seth ang role ni James Richard Montefalco, isang babaero and chick magnet ng grupo.

“Si James po ay napakabuti, tahimik, pala-aral at loyal. Kaso kabaliktaran hahaha. Si James dito ay babaero, siya ‘yung chick magnet.

“May makikilala siya na babae na hindi niya alam ang pangalan kung sino ‘yun.”

At ma iin-love nga si James sa nasabing babae na hindi na matandaan ang pangalan na ginagampanan naman ni Francine.

Makakasama ng FranSeth  sa movie sina Raven Rigor, Kych Minemoto, Kaleb Ong, Abdul Raman, at  Elijah Alejo with Bernadette Allyson, Bobby Andrews, and Ruby Ruiz. 

Ang She Who Must Not Be Named ay hatid ng Ohh Aye Producrions, Inc. sa panulat ni Lawrence Nicodemus at ididirehe ni Christopher Novabos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …