Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Magalona Ica Aboy Peralta

Hiro Magalona pagbabalik-showbiz suportado ng asawa

MATABIL
ni John Fontanilla

MASUWERTE si Hiro Magalona sa kanyang asawang si Ica Aboy Peralta dahil suportado nito ang pagbabalik-showbiz niya.

Katunayan, ito pa nga ang nagpu-push kay Hiro para balikan ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Kuwento nga ni Hiro, “Napaka-suwerte ko kasi napaka-supportive ng asawa ko sa pagbabalik/showbiz ko.

“Siya ‘yung nagsasabi sa akin na kung gusto kong umarte ulit, susuportahan niya ako,” wika ni Hiro.

Ilang taon ding nawala sa showbiz si Hiro na tumaba kya ayaw munang tumanggap ng projects. Ang asawa ni Hito ang nagtulak para magpapayat para na rin sa health ng asawa.

Sa paglipas ng panahon ay ‘di namalayan ni Hiro na pumapayat na siya sa tulong ng kanyang wife.

At ngayon nga ay patuloy pa rin itong nagpapaganda ng katawan habang tinatapos ang kauna-unahang project na tinanggap. Ang advocacy film na Aking mga Anak ng DreamGo Productions at idinirehe ni Jun Miguel na siya ring director ng children show na Talents Academy .

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …