Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Prince Villanueva Hiro Magalona

Prince Villanueva masaya na makatrabaho muli si Hiro Magalona 

MATABIL
ni John Fontanilla

THANKFUL ang former Sparkle Artist na si Prince Villanueva sa DreamGo Productions at sa direktor nitong si Jun Miguel dahil isinama siya sa advocacy film na Aking Mga Anak.

Sobrang nagpapasalamat ako  sa DreamGo Productions at kay Direk Jun  Miguel dahil isinama nila ako sa pelikulang ‘Aking mga Anak’ dahil sobrang ganda ng story at punompuno ng aral.

“’Di siya typical na movie na drama, ‘yung movie may puso at maraming makare/relate sa mga character sa movie,” sambit ni Prince.

Masaya rin si Prince dahil makakatrabho niya ulit ang kanyang naging kasama sa Walang Tulugan with the Mastershowmanna si Hiro Magalona na huli niyang nakasama sa GMA serye na Sherlock Jr..

Si Prince ay nagsimula bilang regular cast ng Walang Tulugan with The Mastershowman at napanood sa The Half Sisters,  Magpakailanman: Bangin Ng Kamatayan, InstaDad (Ikot Perez), Maynila: Signs Of Love, Maynila: Moments In Time ,Magpakailanman: Paskong Malamig ang Puso, Magpakailanman: Asawa ni Mister, Kabit ni Misis, Wish I May, Alyas Robin Hood, A1 ko sa’yo, Maynila: Secret Bratinella, Magpakailanman: Finding Earl, Imbestigador: UPLB Rape Case, Alyas Robin Hood: Book 2, Karelasyon: Biglang Yaman, Pepito Manaloto, Magpakailanman: Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki, Imbestigador: Chop chop sa San Mateo Sherlock Jr. At #MichaelAngelo: The Sitcom.

Bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula ay umaarte rin ito sa teatro at ilan nga sa nagawa nito sa Sining Pinagpala Theater Foundation ang Noli Me Tangere (2024-Present) as Young Jose Rizal, El Filibusterismo (2024-Present) as Basilio, Florante at Laura (2023-Present) as Florante,  Ibong Adarna (2024) as Don Juan, Aquarium na Walang Tubig (2016-Present) as Dennis (Lead Role).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …