MATABIL
ni John Fontanilla
BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng isa sa most love popular variety game show sa telebisyon noon, ang Kuwarta O Kahon.
Pagkaraan ay pinasok na rin nito ang pag-arte sa pelikula via independent film Filemon Mamon, Echorsis, Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa, Ang Sikreto ng Piso, Caught In The Act, atIkalawang Ina naipalalabas bago matapos ang taon.
At mula naman sa pag-arte ay pinasok din nito ang pagpo-produce ng pelikula at isa rito ang ginawa ni Direk Lem Lorca, ang Ned’s Project na nanalo ng award kasama na ang Best Picture sa CineFilipino Film Festival, Will Fredo’s TRASLACION: Ang Paglakad sa Altar ng Alanganin na nanalo ng Best Documentary sa Soho International Film Festival sa New York City.
Isa rin itong host sa K5 Digital Media’s highest rated online show, The Mel and Toni Show with Mel Martinez.
Online live seller din ito ng Tres Chic Luxury Original na pag-aari ng aktres at businesswoman na si Jhen Boles kasama si Asher Diaz na member ng Magic Voyz.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com