Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Krystal Herbal Oil kaagapay ng Senior Citizen sa kanyang araw-araw na pananahi

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Milagros Castañeda, 64 years old, isang mananahi, kasalukuyang nakatira sa Pasay City.

         Sa edad kong 64 anyos, ako po’y natutuwa dahil malinaw pa ang aking mga mata, kaya ako’y nakapapanahi pa.

         Ito po ang aking kabuhayan, manahi ng kung ano-ano na binibili naman ng aking mga kapitbahay. Minsan naman nagpapatahi rin sila at nagpapa-repair. Madalas ko pong tahiin ay mga pambahay ng bata, kurtina at mga throw pillow case. Natutuwa po ako kasi may mga regular akong customer kaya bukod sa aking pensiyon ay may iba akong pinagkikitaan.

         Pero ang higit ko pong ikinatutuwa ay mayroon akong inaasahang Krystall Herbal Oil kapag sumasakit at nangangalay ang aking mga daliri ganoon din ang aking mga paa kapag matagal na nakaupo.

         Ang ginagawa ko po ibinababad ko sa maligamgam na tubig na may asin ang aking mga paa ganoon din ang aking kamay. Mga 15 minutes, tapos dadampian ko ng tuwalya at habang hindi pa masyadong tuyo ay ihahaplos ko na ang Krystall Herbal oil sa paa at kamay.

         Kapag medyo na-absorb na ang Krystall, maghahaplos ulit ako sabay ng kaunting pagmamasahe. Nagpapatulong ako sa pamangkin kong babae na magaling magmasahe.

         Sabi nga ng pamangkin ko, “Auntie, bakit parang pati ako nahi-heal kapag minamasahe kita?” E ang sagot ko na lang, ganyan talaga ang husay at galing ng Krystall Herbal Oil. Ang dami ngang nanggagaya riyan pero hindi makapantay.

         Pagkatapos no’n, ako naman ang maghahaplos ng Krystall Herbal Oil sa likod ng aking pamangkin. Sa susunod ko naman po ikukuwento ang epekto sa kanya ng paghahaplos sa kanyang likuran.

         Muli, maraming salamat po, Sis Fely sa inyong napakahusay na imbensiyon.

God bless you always po.

MILAGROS CASTAÑEDA

Pasay City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …