Monday , June 16 2025
Sherwin Meneses Creamline

Creamline Wagi bilang Team of the Year, Meneses Coach of the Year

MAS dinagdagan pa ng Creamline ang karangalan nito matapos masungkit ang Team of the Year at Coach of the Year sa kauna-unahang Pilipinas Live Premier Volleybal League (PVL) Press Corps Awards Night na gaganapin sa Mayo 28 sa Novotel Manila, Araneta City sa Quezon City.

Ipinamalas ng Cool Smashers ang husay sa pamamagitan ng 176 panalo sa 216 laban sa buong kasaysayan ng liga, na siyang pundasyon ng kanilang kultura ng tagumpay sa nakaraang walong taon.

Itinampok ng Creamline ang kanilang dominasyon sa pagiging kauna-unahang grand slam champion ng PVL matapos nitong walisin ang lahat ng tatlong conferences ng 2024 PVL season.

Bilang 10-beses na kampeon sa PVL, nakamit ng Creamline ang pagkilala sa unang awards night na inihandog ng Arena Plus, matapos tumanggap ng 13.6 puntos sa boto — 10.8 mula sa media at 2.8 mula sa mga koponan.

Pumangalawa ang Petro Gazz na may 9.4 puntos, buhat sa 3.0 media votes at 6.4 team votes, matapos nitong pigilan ang five-peat bid ng Creamline sa All-Filipino Conference noong Abril.

Nagkaroon ng alinlangan sa grand slam bid ng Cool Smashers dahil sa mga injury nina Alyssa Valdez at Tots Carlos, at ang kawalan ni Jema Galanza na abala sa national team duties.

Ngunit sa gitna ng mga pagsubok, isang bagong bayani ang lumitaw — ang 24-taong gulang na American import at pro league rookie na si Erica Staunton, kasama ang bagong MVP trio na sina Bernadeth Pons, Michele Gumabao, at Kyle Negrito, na siyang nagtulak sa koponan sa pagwawagi ng triple championship.

Itinampok din ang dominasyon ng Creamline sa kanilang 19-game win streak mula Reinforced Conference 2024 hanggang dulo ng PVL AFC 2024-25 — ang ikalawang pinakamahabang panalong sunod-sunod sa kasaysayan ng liga.

Gayunpaman, naranasan din ng Creamline ang sakit ng pagkatalo matapos silang matalo sa Petro Gazz sa finals sa loob ng tatlong laro, na siyang nagwakas sa kanilang paghahari sa All-Filipino Conference.

Ngunit sa huli, nanaig pa rin ang walong taon ng matibay na samahan at chemistry bilang isang battle-tested na pamilya — kahit sa harap ng pagkatalo.

Dahil dito, pararangalan din si Coach Sherwin Meneses bilang Coach of the Year, bilang arkitekto ng matagumpay na kampanya ng Creamline.

Sa edad na 42, nakamit ni Meneses ang isang bihirang tagumpay na narating lamang ng apat na coaches sa kasaysayan ng Philippine sports sa nakalipas na 50 taon — ang magwagi ng Grand Slam.

Nakuha ni Meneses ang parangal sa pamamagitan ng 11 puntos — 7.8 mula sa media at 3.2 mula sa mga team.

Pumangalawa si Koji Tsuzurabara ng Petro Gazz na may 9.6 puntos (4.8 mula sa media, 4.8 mula sa teams), at pumangatlo si Taka Minowa ng Akari na may 2.4 puntos (1.2 sa media at 1.2 sa teams).

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nananatiling matatag ang Creamline sa kanilang selfless at winning culture — walang ego, kundi ang kilalang “good vibes” ang umiiral.

Nalampasan ni Meneses ang hamon ng pananatiling kampeon kahit wala ang kanyang pangunahing mga bituin, at pinamunuan ang Creamline sa Grand Slam at ang kanyang ikapitong PVL title bilang head coach.

Itinanghal din siyang kauna-unahang head coach sa liga na nakaabot ng 100 panalo, sa straight-sets na tagumpay kontra Chery Tiggo sa Game 1 ng AFC quarterfinals.

Sa kasalukuyan, hawak ni Meneses ang 104-18 win-loss record na may 85.25% winning rate — pinakamatayog sa 45 coaches na nagtrabaho sa kauna-unahang professional women’s volleyball league ng bansa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Bella Belen Alas Pilipinas AVC Womens Volleyball Nations Cup

Sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam
Alas Pilipinas (Women’s) ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa panalo kontra Kazakhstan

TINALO ng Alas Pilipinas ang mas mataas na ranggong koponan ng Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, …

AVC Womens Volleyball Nations Cup

Alas Pilipinas wagi laban sa New Zealand

ALAS PILIPINAS ay wagi kontra New Zealand, 25-17, 25-21, 25-18, upang manatiling buhay ang pag-asa …

Bad Boy MJ Raffy entry solo champ ng 2025 World Slasher Cup 2

Bad Boy MJ Raffy entry solo champ ng 2025 World Slasher Cup 2

NASUNGKIT nina Raffy Turingan at Joegrey Gonsalez (Bad Boy MJ Raffy entry) ang kampeonato ng …

Rebisco FIVB Mens World Championship PNVF Alas Pilipinas Invitationals

Rebisco, katuwang ng FIVB Men’s World Championship, PNVF kasama sa pagbubukas ng Alas Pilipinas Invitationals

IPAMAMALAS ng Alas Pilipinas ang kanilang kahandaan para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship (FIVB …

Marlon Bernardino nagkampeon sa Sali Chess Blitz Open

Bernardino nagkampeon sa Sali Chess Blitz Open

MAKATI CITY — Nagbigay ng draw si National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., sa …