Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sobrang naantig sa mga eksena sa Picnic 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang maluha ng beteranang aktres na si Nova Villa sa mediacon/ premiere night ng kaabang-abang na Korean film dubbed in Tagalog na Picnic ng Nathan Studios.

Sobrang naantig ang puso ni Nova sa mga eksena sa pelikula, kaya naman may mga insidente na napapahinto siya sa pagda-dub at napapaiyak.

Dagdag pa ni Nova na napapanahon at karapat-dapat panoorin ng pamilyang Pinoy lalo’t patungkol sa pamilya at solid friendship ang nilalaman ng pelikulang Picnic.

Sobrang laki ng pasasalamat ni Nova kina Sylvia Sanchez at Ria Atayde dahil isa siya sa kinuha para mag-dub sa nasabing pelikula.

Ginagampanan ng award-winning actress na si Ces Quesada ang papel ni Eun-sim. Habang ginampanan naman ng Pinoy Big Brother: Gen 11 winner, Fyang Smith  ang younger version ni Eun-sim.

Ginagampanan naman ni Nova ang papel ni Geum-soon, ang childhood best friend ni Eun-sim. Kaabang-abang ang kakaibang performance ni Nova na talaga namang tutunaw sa puso ng mga manonood.

Ang acting legend naman na si Bodjie Pascua ang kukompleto sa central trio ng pelikula sa kanyang sensitibong pagganap sa papel ni Tae-ho na haharapin ang kanyang mga nakatagong emosyon.

At gagampanan naman ng on-screen partner ni Fyang na si JM Ibarra ang papel ng batang Tae-ho na siyang nagbigay ng karagdagang lalim sa karakter.

Ang mga orihinal na aktor na tampok sa Picnic ay ang South Korean superstars na sina Na Moon-hee (Eun-sim), Kim Young-ok (Geum-soon), at Park Geun-hyung (Tae-ho). 

Kinunan ito sa Pyeongsan-ri, Namhae-gun na isang tahimik na village sa South Gyeongsang Province, na maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.

At sa premiere night nga ng Picnic ay marami ang tumawa, kinilig, at lumuha sa mga nakaaantig na mga eksena.

Sobrang ganda ng movie at ang huhusay ng mga artistang gumanap at swak na swak ang pagkaka-dub nina Nova, Ces, JM , Fyang, at Bodgie at higit sa lahat ay talaga namang maraming kapupulutang aral ang Picnic.

Showing na sa mga sinehan nationwide hatid ng Nathan Studio. Kaya isama na ang buong pamilya at panoorin ang Picnic!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …