Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil
Krystall Herbal Oil

Sakit ng ulo sa matinding init ng panahon pinayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Nelia de Guzman, 45 years old, isang mananahi, naninirahan sa Rosario, Cavite.

         Ibang klase po talaga ang tag-init ngayon, may hangin pero sing-init ng apoy ang simoy. Kaya kapag nasagap mo at na-inhale ay napakasikip sa dibdib.

         Kahit po naka-aircon ang patahian namin, ay ramdam pa rin ang init dahil higit 20 kami sa isang hindi naman kalakihang kuwarto.

         Siguro po marami ang hindi maniniwala na ang solusyon ko rito ay Krystall Herbal Oil at pag-inom ng maligamgam na tubig.

         Alam po ba ninyo Sis Fely, kapag medyo umiinit na ang pakiramdam ko, gaya ng turo ninyo, umiinom ako ng maligamgam na tubig tapos maghahaplos ako ng basang bimpo na may suka, lagi po akong nagbabaon nito. Ihahaplos ko sa mukha, sa batok, sa kili-kili, sa tiyan, sa paa at pagkatapos ay maghahaplos din ako ng Krystall Herbal Oil hanggang lumabas ang pawis ko.

         Kapag pinawisan na po ako, tiwala na akong lumabas na ang init at alinsangan mula sa loob ng katawan at pamaya-maya pa, ginhawa na ang aking pakiramdam.

         Ito po ang pinakamabisang paraan na natutuhan ko sa inyo para makaiwas sa heat stroke.

         Kaya grabe po talaga ang pasalamat ko dahil sa pamamagitan ng mga turo at paggamit ng inyong mga imbensiyon ay nakaliligtas ako sa mga karamdaman.

         Maraming salamat po Sis Fely, sa inyong walang sawang pagtuklas ng mga karunungan na nakatutulong sa inyong mga tagasubaybay.

         God bless po.

NELIA DE GUZMAN

Rosario, Cavite

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …