Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor

MTRCB rated PG ang dalawang pelikula ni Ate Guy

MATABIL
ni John Fontanilla

MAPAPANOOD muli sa mga sinehan ang mga klasikong pelikula ng yumaong Superstar at  National Artist na si Nora Aunor.

Kya naman may pagkakataon na angbuong pamilyang Pinoy na panoorin ang mga pelikula ni Ate Guy dahil sa ibinigay na  klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)  na Parental Guidance (PG) ang dalawang tanyag na pelikula nito.

Ito ang mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos at Tatlong Ina, Isang Anak.

Kaya naman hinihikayat ang mga magulang sa ilalim ng PG na gabayan ang mga batang manonood at magkaroon ng pag-uusap sa mga bata tungkol sa tema ng pelikula.

Ang 1976 wartime drama na Tatlong Taong Walang Diyos mula sa direksiyon ni Mario O’Hara ay nakatanggap ng mataas na pagtanggap noon mula sa mga kritiko nito at ikinokonsidera bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang Pinoy.

Habang ang Tatlong Ina, Isang Anak (1987) ay tungkol sa kwento ng pagiging isang ina sa katauhan ng tatlong babae na pinagtagpo ng pagmamahal at pagsasakripisyo.

Sa inisyatiba ng ABS-CBN Film Restoration Project (Sagip Pelikula), nagsisilbing pagkilala, parangal, at papuri ang mga pelikulang ito kay Nora na ang kanyang buhay at talento ay nag-iwan ng kasaysayan sa kultura at sining ng Pilipinas.

Ang ating Superstar na si Bb. Nora Aunor ay hindi lamang isang pambansang yaman kundi sumisimbolo sa tagumpay ng industriya ng pelikula ng Pilipinas,” sey ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.

Dagdag pa nito, “Tayo sa MTRCB ay masaya na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang klasikong pelikula ng yumaong superstar, na makatitiyak na ligtas itong panoorin ng mga manonood anuman ang edad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …