Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Anel Diaz Pamilya Ko Partylist

Kahit nasa winning circle ayon sa surveys  
Pamilya Ko Partylist, mas pinaigting pa kampanya nationwide

SA KABILA ng resulta ng research surveys na nagpapakita na nasa “winning circle” na ang Pamilya Ko Partylist (PKP), walang plano ang grupo na magpakakampante sa pangangampanya lalo’t painit nang painit ang nalalapit na halalan.

Ayon kay Atty. Anel Diaz, ang 1st nominee ng PKP, lalong pinasigla ng resulta ng mga surveys ang kanilang grupo kaya’t puspusan na ang ginagawa nilang pangangampanya sa nalalabing tatlong linggo  pagkaraan ng Semana Santa.

“Hindi dapat maging complacent tayo kundi lalo tayong maging pursigido sa pangangampanya, kumbaga papasok na tayo sa last two minutes, saka na tayo magpahinga after May 12,” pahayag ni Diaz sa isang panayam.

“Dapat, mas lalo tayong mag-double time kasi pag gumanda ang numbers natin, ang next stage niyan, to make sure ma-keep natin ‘yan na hindi bababa, dapat ang trajectory natin ay paakyat so in fact nakadaragdag ng pressure ‘yun,” dagdag niya.

Sa ngayon aniya, nakapag-ikot na sila sa 15 probinsiya sa Luzon, Visayas, at Mindanao bagama’t matapos ang Semana Santa, muli nilang susuyurin ang malalaking lalawigan sa Mindanao simula 22 Abril.

Nagpasalamat din ang PKP sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga lokal na opisyal ng mga napuntahan nilang mga bayan at lungsod sa iba’t ibang rehiyon bagama’t hindi nila inaasahan na makukuha ang buong suporta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan lalo’t may mga regional partylist na tumatakbo sa kani-kanilang lugar.

“Ang mahalaga sa amin, they keep it on open playing field, kung baga, hindi naman po kami pinapahirapan, they welcome us at pinapayagan kaming mangampanya at ipahayag sa mga tao ang aming plataporma, para sa amin, malaking bagay na po iyon,” ang nasisiyahang pahayag ni Atty Diaz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …