Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
William Thio

William Thio balik-acting 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK-PELIKULA ang award winning newscaster na si William Thio via Ako Si Kindness ng Love Life Project in cooperarion with Best Magazine ni Richard Hin̈ola, RDH Entertainment Network and Yeaha Channel.

Ayon kay William, matagal-tagal na ang last na acting project na ginawa niya dahil mas nag-focus siya sa newscasting, hosting, at pagiging contractor. Kaya naman nang i-offer sa kanya ang advocacy film na Ako Si Kindness ay hindi na siya nagdalawang-isip pa at tinanggap kaagad ito.

“It’s actually refreshing, para bang break sa normal na routine ko na newscasting and being a contractor.

“Actually it’s very simple napakdali kong tinanggap ‘yung project. It was only the other day na tinawagan ako ni sir Richard and he told me about  my role.

“And when he said that the movie is all about PWD (Persons with Disability), Autism, ADHD, and this is an advocacy that’s close to my heart. Why? because it is a very great area in our society eh.

“And ganoon talaga ang nangyayari. We need to address  people in the spectrum, people with disabilities, because at the end of the day they still part of it. 

“And I think it’s what many parents worry about, lalong-lalo na if you have kids in the spectrum na para bang anong mangyayari sa anak ko kapag nawala na ako, kapag namatay na ako,” sabi pa ni William.

Dagdag pa nito, “At saka mayroon pang isa, mababaw pero napaka-importante rin. May nagsabi sa akin na ibahin na natin ‘yung routine mo para naman mag-break sa monotony sa pagiging serious sa politika, sabi ko ayun na ‘yun. ” 

Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ng beauty queen at teen actress na si Marianne Bermundo kasama sina Rubi Rubi , Patricia Ysmael, Miles Poblete, Cye Soriano, Queen Buraot, Dave Gomez, at Jenny Lin Ngai sa direksiyon ni Crisaldo Pablo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …