Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Sugat at galos sa pagsemplang ng motorsiklo mabilis na pinatuyo at pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Magandang araw po sa inyong lahat Sis Fely.

         Ako po si Edilberta Villa, 48 years old, isang sales clerk sa isang Malaysian online network, kasalukuyang naninirahan sa North Fairview.

         Nais ko lang pong i-share ang aksidenteng nangyari sa aming 26-anyos house help na babae,  na sumemplang ang motorsiklo sa loob ng aming subdivision pagkagaling sa palengke.

         Ay talaga pong nangilabot ako kasi grabe ang gasgas sa balikat, braso, at sa binti. Dahil wala pa kaming kasama sa bahay ng anak ko, minabuti kong kami muna ang mag-apply ng first aid. Hinugasan ko po muna ng sodium chloride ang kanyang mga sugat para hindi maimpeksiyon. Pagkatapos ay kumuha ako ng bulak at dinampian ko ng Krystall Herbal Oil ang kanyang mga galos at sugat.

         Subok ko na kasi ang Krystall Herbal Oil na mabilis na nakapagpapahilom ng pagdurugo.

         Sabi ko, bukas dadalhin namin siya sa ospital para ma-check kung wala siyang pinsala sa loob ng katawan. Pinayohan ko rin siya na kung may nararamdaman siyang pilay ay maghaplos pa siya ng Krystall Herbal Oil.

         Pero bago matulog, nag-apply na ako ng Krystall Herbal Oil sa kanyang likuran lalo sa bandang leeg na sabi niya ay parang tumunog noong sumemplang siya.

         To make the long story short, nagpahinga na po kami at kinabukasan, sabi ko, mag-breakfast muna kami tapos punta na sa doctor.

         Pero sabi ng aking house help, ‘wag na po Ma’m, kasi paggising ko kaninang umaga, wala na akong naramdamang kirot at parang tuyot na ang mga galos at sugat ko.

         Natuwa ako, tuwang-tuwa hindi dahil sa hindi na gagastos kundi muli ko na namang napatunayan kung gaano kahusay at ka-reliable ang Krystall Herbal Oil.

         Sa kabila noon, pinilit ko pa rin siyang magpunta kami sa doktor para makapagpa-Xray at ma-check pa rin ang sugat niya.

         At ganoon nga po, binigyan siya ng request na magpa-Xray pero hindi makapaniwala ang doktor na halos tuyo na ang sugat ng house help ko. Ang tanong niya, anong ginawa ninyo?  At hindi siya makapaniwala na Sodium Chloride at Krystall Herbal Oil ang ginamit namin. Napakagaling daw. Gayonman, niresetahan pa rin niya kami ng antibiotics at ointment, na puwede naming gamitin sakaling magkaroon pa raw ng lacerations. 

         Maayos din naman ang resulta ng Xray dahil walang lumabas na fracture.

         Nang pauwi na kami sabi ko daan kami sa botika para bumili ng gamot. Sabi niya, saka na lang Ma’m, malaki ang tiwala ko sa Krystall Herbal Oil na ito ang lubusang magpapagaling sa akin.

         Hay, nangiti ako sa sinabi ng house help ko, kasi nga totoo ‘yun, ang Krystall Herbal Oil ay laging maaasahan sa lahat ng panahon.

         Kaya kami po’y laging nagpapasalamat sa inyo Sis Fely at sa napakahusay ninyong imbensiyon.

         Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng Panginoon para patuloy na makatuklas ng mga imbensiyon na malaking tulong sa sangkatauhan.

Maraming salamat po.

EDILBERTA VILLA

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …