Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jameson Blake KD Estrada Alexa Ilacad Jill Urdaneta Cecille Bravo Joyce Pilarsky

Co Love tatlong award ang nasungkit sa Puregold Cinepanalo FilmFest 2025  

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI man nanalo ng acting awards, tatlong tropeo sa katatapos na Puregold Cinepanalo Film Festival Awards Night 2025 ang naiuwi ng feel good movie na Co-Love na pinagbibidahan nina Jameson Blake, KD Estrada, Alexa Ilacad, at Kira Baringer sa direksiyon ni Jill Urdaneta.

Napanalunan ng Co Love ang Best Editing—Vanessa Ubas De Leon, Audience Choice Award, at Pinakapanalong Awitin.

Post ni direk Jill sa Facebook pagkatapos manalo, “THANK YOU UNIVERSE! These are not just any trophies — these are PUREGOLD trophies.!!! Last na talaga yun promise! 

“CO LOVE won Audience Choice Award, Pinakapanalong Awitin, & Best Editor. 

“Sobrang saya sa puso na yung pelikulang ginawa namin mula sa hirap, luha, at puyat ay tinanggap at minahal ninyo.

“Para ‘to sa lahat ng takot magkamali, sa lahat ng bumangon kahit ilang beses nang nadapa, at sa lahat ng naniniwala na may bagong simula palagi.

“Maraming salamat sa suporta! Tuloy lang tayo. Mahal ko kayo. Puregold Cinepanalo Film Festival 2025 salamat sa experience!  (bukas na po yung taggings para wala po ako makalimutan coz IM SUPER HIGH! ).”

Kasamang dumalo ni direk Jill sa awards night ang cast ng Co Love na sina Jameson, Alexa, KD, Joyce Pilarsky, Jayson Tan, Ey- Arr Estan̈a II,  Vanessa,(screenwriter), at Cecille Bravo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …