Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Jameson Blake KD Estrada Collab 

Celebrity businesswoman Cecille Bravo  producer at umarte sa Collab

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging celebrity businesswoman at philanthropist ay pinasok na rin ni Cecille Bravo ang pagpo-produce at pag-arte sa pelikula via Collab na pinagbibidahan nina Jameson Blake, Kira Balinger, Alexa Ilacad, at KD Estrada na idinirehe ni Jill Urdaneta.

Hindi nga nagpatalbog sa aktingan kina Jameson si Tita Cecille na may cameo role bilang vlogger na tita ng aktor.

Sa kauna-unahang pagsabak sa pag-arte ay puro thumbs up ang nakuha ni Tita Cecille mula sa mga press na nakapanoood ng pelikula. Na ibig sabihin, pasado at nagustuhan nila ang akting ni Tita Cecille.

Nang malaman ito ni Tita Cecille ay nagpasalamat ito sa mga press at mga taong nagustuhan ang kanyang acting sa movie. If ever nga na may mag-aalok sa kanya ulit sa pelikula o teleserye ay wala namang problema basta sa-swak sa kanyang schedule lalo’t busy siya sa kanilang negosyo (Intele Builders and Develooment Corporation).

Ang Collab ay isa sa mga pelikulang entry sa Puregod Cine Panalo Film Festival 2025 na mula March 14 to 25 mapapanood sa Cinema ng Gateway 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …