Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Lamig at pilay sa balikat sisiw sa Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Ako po si Ferdinand Espiritu, 48 years old, isang delivery rider, kasalukuyan pong naninirahan sa Pasay City.

         Ang amin pong pamilya ay matagal nang gumagamit ng Krystall Herbal Oil at iba pang herbal supplements mula sa FGO Foundation. Pero ang pinakapaborito po namin sa lahat ay ang Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs.

         Sa personal na karanasan ko po, noong una’y hindi ako masyadong seryoso sa paggamit ng Krystall products pero natutuwa ako kapag nareresolba ang maliliit na problema gaya ng kagat ng mga lamok, langgam, putakti, at iba pang insekto.

         Hanggang isang araw, nagising po akong mabigat ang aking kanang balikat at parang hirap na hirap akong dumilat. Medyo kinabahan po ako, kasi maliliit pa ang tatlong anak kong lalaki, lalo na ang bunso namin ni misis na isang 15 months old baby girl.

         At noon ko po muling naalala ang Krystall Herbal Oil — ang malaking tulong sa aming magkakapatid gaya ng pananakit ng ulo at sa mga panahon na biglang nagkakaroon ng mga nauusong sakit.

         At para mahimasmasan, sabi ko, wait para maipakita ko ang paggamit nito sa aking misis. Sabi ko pakihaplosan ako sa likod lalo sa balikat. Tapos i-massage sa loob ng 15 to 30 minutes, paikot-ikot at paulit-ulit. Kapag medyo lumambot na ang kalamnan ibig sabihin nag-absorb na ang Krystall Herbal Oil.

         At pagkatapos nga po, naramdaman ko na parang pinagpawisan ako. Napansin rin ni misis kaya ang sabi ko magpakulo ng tubig, at itimpla ako ng Krystall Nature Herbs. Kalahating sachet ang ibuhos sa mug at saka lagyan ng bagong kulong tubig.

         Habang pinalalamig ko nang kaunti ang nature herbs, itinatapat ko sa aking mukha ang tasa at nilalanghap ang init at amoy ng tsaa, ay talagang napakabango.

         Kaya noong kaya ko na po ang init, unti-unti kong ininom ang nature herbs, at doon ko naramdaman na para bang sumingaw ang mga lamig at pagod sa loob ng aking katawan — at ang parang pilay sa balilkat ay naglaho.

         Talaga pong tuwang-tuwa si misis dahil parang nakita at naramdaman niya na umalpas sa katawan ko ang masamang pakiramdam.

         Kaya naman po lubos ang pasasalamat ko sa inyo Sis Fely at sa lahat ng inyong staff na nakatutulong para maransan namin ang husay at inam ng inyong imbensiyon na sabi nga — patuloy na ginagaya pero hindi mapantayan — ng mga tinatamad mag-isip.

         Muli, inirerekomenda ko po sa inyong mga masugid na tagapakinig at tagasubaybay na laging mag-imbak ng Krystall Herbal Oil dahil kumbaga sa ospital, ito ay sagot sa emergency cases.

         Muli po Madam Fely, maraming, maraming salamat po. Hangad ko po ang patuloy na pagpapala sa inyo ni Yahweh El Shaddai. Amen!

Lubos na sumasainyo,

FERDINAND ESPIRITU

Pasay City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …