Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Galing at husay ng Krystall Herbal Oil pinatunayan ng BPO worker sa kanyang officemates

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         “Ang naniniwala sa mga sabi-sabi, walang bait sa sarili.”

         Magandang araw po sa inyo Sis Fely Guy Ong. Ako po si Michelle Apostol, 38 years old, a resident of Quezon City, and BPO employee.

         Well, sa edad ko pong ito, isa po ako sa mga naniniwala sa bisa ng ‘miracle oil’ and tender loving haplos, lalo na kung para sa mga kids natin.

         At gusto ko rin pong sabihin sa inyo na naipamana sa akin ng mama ko ang paggamit ng Krystall Herbal Oil. Yes, Madam Fely, almost 18 years na po kaming gumagamit ng Krystall Herbal Oil at ito po ang solusyon namin sa lahat ng nakasasagabal para sa maayos na pakiramdam at kalusugan.

         Ang baby ko po na ngayon ay five years old na ay laking Krystall Herbal Oil. Bago maligo, haplos ng Krystall sa bumbunan, sa likod, sa tiyan, at sa talampakan. After maligo, haplos na naman sa likod sa braso at sa binti. Bago matulog, sa tiyan, sa likod at sa talampakan.

         At hindi lang po sa baby, pati po sa sarili ko ay ganoon din ang ginagawa ko lalo nga’t baliktad ang oras ng trabaho ko sa BPO.

         May mga officemates po ako na kung ano-anong ‘nega’ ang feedback sa Krystall Herbal Oil pero kapag may kagat sila ng lamok, masakit ang tiyan, masakit ang ulo, masakit ang puson at kung ano-ano pang sakit sa pakiramdam, sa akin naman lumalapit at nagpapahaplos ng Krystall.

         Doon nila napapatunayan na mali ang mga negatibong feedback dahil napapatunayan nila  ang galing at husay ng Krystall Herbal Oil. Bilib na bilib sila ppati ang mga pantal ay parang “magic” na nawawala kapag hinahaplos ng Krystall.

         Aba siyempre, sabi ko, imbensiyon ‘yan ng famous herbalist na si Madam Fely Guy Ong na ginagaya ng mga inggitera pero hindi mapantayan.

         O di ba?! Babush na nga muna Madam Fely. At uulit-ulitin ko: “Ang naniniwala sa mga sabi-sabi, walang bait sa sarili.”

         God bless you always, Madam.

MICHELLE APOSTOL

Quezon City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …