Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nat’l gov’t hiniling makialam para sa kaayusan ng operasyon at kaligtasan sa munisipyo ng Kauswagan, Lanao del Norte

Nat’l gov’t hiniling makialam para sa kaayusan ng operasyon at kaligtasan sa munisipyo ng Kauswagan, Lanao del Norte

APEKTADO na ang kaayusan ng operasyon at kaligtasan ng mga empleyado at mga kliyente ng munisipyo ng Kauswagan sa Lanao del Norte sa pagkasira ng CCTV cameras at pagputol sa kable ng internet at nagmistula na rin itong ‘apartelle’ ng ilang armadong sibilyan at pulis.

               Sa liham na ipinadala ni Christian Merch B. Tomo, Admin Officer IV ng Kauswagan local government, kay Civil Service Commission (CSC) Field Office Director II Alona Carumba, hiniling niya ang kagyat na pagpayag para sa “work-from-home arrangements” ng mga kawani o relokasyon ng operasyon ng mga tanggapan sa mas ligtas na lugar.

Pangunahing apektado ng pangyayari ang Enhanced Tax Revenue and Collection System (ETRACS), isang web-based system na ginagamit ng mga lokal na pamahalaan upang mangolekta ng buwis gaya ng real property tax, business permits gayondin para sa administration at taxpayer registration.

Ang kahilingan ni Tomo kay Carumba ay bunsod ng pinakahuling insidenteng nangyari noong 14 Pebrero 2025 nang sinadyang putulin ng mga tauhan ni Acting Municipal Mayor Aga Dimakuta ang koneksiyon ng CCTV cameras at internet wires patungo sa mga opisina ng Treasury, Accounting, at Assessor sa munisipyo.

“I am writing to formally inform your esteemed office of an unfortunate incident that occurred today, February 14, 2025. It has come to our attention that, once again, the CCTV cameras and internet wires have been deliberately disconnected by personnel of the Acting Municipal Mayor in the Treasury, Accounting, and Assessor’s Offices of the Local Government Unit (LGU) of Kauswagan, LDN,” sabi ni Tomo.

Ang pagkagambalang ito ay lubhang nakaapekto aniya sa kanilang kakayahan na magampanan nang epektibo ang mga opisyal na tungkulin at responsibilidad.

Paliwanag niya, ang kawalan ng mga krusyal na serbisyong ito — gaya ng internet at mga surveillance system — ay hindi lamang nagdulot ng malalaking pagkaantala sa pagpapatakbo ngunit nagbunga rin ng malaking panganib sa seguridad at kaligtasan sa kanilang mga empleyado.

“This disruption has severely impacted our ability to carry out our official duties and responsibilities effectively. The absence of these critical services —such as the internet and surveillance systems — has not only caused significant operational delays but also posed a considerable security and safety risk to our employees,” sabi ni Tomo.

Dahil sa “urgency” aniya ng usaping ito, hinihiling niya na ipagsaalang-alang ni Carumba sa pagbibigay ng “work-from-home arrangements” para sa mga apektadong empleyado, gayondin ang posibilidad na ilipat ang mga operasyon ng opisina sa isang mas ligtas na kapaligiran hanggang sa malutas ang sitwasyon.

“In light of the urgency of this matter, we respectfully request your consideration of granting work-from-home arrangements for the affected employees, as well as the possibility of relocating office operations to a safer environment until the situation is resolved,” wika ni Tomo.

“We would greatly appreciate your prompt attention to this pressing concern and any support you can provide to help us resolve the situation swiftly.”

Nabatid na mula nang maluklok si Dimakuta noong 8 Enero 2025 bilang acting mayor matapos suspendihin ng Lanao del Norte provincial government si Mayor Rommel Arnado, bukod sa pagputol sa mga kable ng CCTV at internet connections, labas-masok ang mga tauhan ng acting mayor at pati ilang mga pulis ay ginawang “living quarters” ang munisipyo, sukdulang maging ang kanilang mga underwear at mga damit ay nakasampay sa labas ng bintana ng gusali.

Nagkaroon ng pagpapaputok ng baril sa kabila ng election gun ban, ini-hostage din umano ng mga tauhan ni Dimakuta ang ilang empleyado ng Mayor’s office.

Maging ang mga pagkain para sa isinagawang Zumba activity ng mga empleyado ay itinapon ng pinsan ni Dimakuta nang walang dahilan at ni hindi siya sinaway ng acting mayor na nasaksihan ang kanyang ginawa.

“Matinding demoralisasyon ang nararanasan ng mga empleyado ng munisipyo at maging ang mga residente ng bayan ay nanawagan sa national government na manghimasok na para maibalik sa normal na kaayusan ang kanilang lugar,” sabi ng isang kawani na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …