Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWAN
ni Ed de Leon

GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na si Vilma Santos na hindi totoong siya ay nag-eendoso ng isang gamot laban sa diabetes sa pamamagitan ng internet. 

Sabi nga ni Ate Vi, wala pa siyang ginagawang anumang commercial sa internet. Iyong mga lumalabas sa internet ay ang mga ginawa niyang tv commercials. Pero iyong diretsong endorsement sa social media, lalo na ang mga gamot-gamot na hindi naman inirereseta ng doktor at hindi naman nabibili sa mga botika kundi sa internet lamang, hindi siya nag-eendoso.

Noong isang araw ay lumabas pa sa aming feed ang commercial na iyon na nagsasalita si Ate Vi at sinasabing siya raw ay may diabetes, na hindi naman totoo, at ang nagpagaling sa kanya ay ang gmot na iyong nabibili lamang sa intenet. Nagbabala rin si Ate Vi na maraming ipinagbibiling fake sa internet na mga gamot na hindi naman nakagagaling at baka nga makasama pa. Tapos nagnanakaw ng kanilang mga video sa iba, gumagamit ng AI para mapalitan ang boses na ka-boses nila. At iyon nga nagbebenta ng gamot. 

Sabi pa ni Ate Vi, “pakinggan mong mabuti, sanay ako sa dialogue, sanay ako sa scripts. Pero roon mali ang pronunciation ng salitang “gamot.” 

“Magkakamali ba ako ng bigkas ng salitang gamot? At kapansin-pansin, lahat ng gamot nila ay iisa ang kuwento. 

“Natuklasan ng isang doktor na espesyalista sa lahat halos ng sakit yata, tapos nag-attend siya ng isang scientific conference na siya ang nagsalita tungkol sa kanyang gamot, pinalakpaklan siya ng mga kapwa niya doktor at siyentipiko dahil sa kanyang nadiskubre. Tapos pinalakpakan iyan ng walang tigil. 

“Ang sa akin lang naman, sana hindi sila gumagamit ng kapwa nila. Hindi man sila nanloloko. The fact na gumagamit sila ng kapwa nila para mag-endorse sa kanila na ni hindi alam niyong gumagamit, iyon lang ay panloloko na.                                                                                                                                  

“Dapat maging fair tayo sa negosyo. Huwag hahaluan ng kung ano-anong panloloko eventually mabibisto rin naman sira na kayo. Kami walang problema sa amin. Madali lang naman kaming mag-deny na wala kaming ginagawang ganyang endorsements pero iyong gumagawa ng panloloko ng kapwa maling-mail.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …