HATAWAN
ni Ed de Leon
MATAGAL na palang may problema ang pagsasama at ngayon nga ay inamin na ng kanyang asawang si Trevor Magallanes na on the way na ang divorce nilang dalawa ni Rufa Mae Quinto. Kaya lang nasa US pa si Rufa at dahil hinihintay naman niya ang advice ng kanyang abogado sa ilang kaso na isinampa laban sa kanya ganoong endorser lamang naman siya ng isang beauty product na ginagawa ng isang kompanyang nasabit sa scam.
Kung tutuusin si Rufa Mae ay biktima rin nga ng kompanyang iyon dahil ang tsekeng ibinayad daw sa kanya bilang endorser ay tumalbog pa.
Gayunman, sinasabi ni Rufa Mae na nakahanda siyang harapin ang kaso para mapatunayan na siya ay inosente at biktima rin nga ng kompanyang iyon.