ni Ed de Leon
TALAGA raw ayaw siyang tigilan ni Direk, sabi ng isang Male Starlet, kaya ang ginawa niya lumipat siya ng ibang grupo, pero pagdating niya roon ganoon din. Pinipilit siya ng dikrektor na makipag-date din sa kanya.
“Sinabi ko na sa kanya may “papa” na nag-aalaga sa akin. Sinabi ko na rin naman sa kanya kung sino. Pero hindi pa rin tumigil. Hindi ko naman gawain iyon pero para matahimik na lang, sinabi kong ang bayad sa akin ay P20K sa bawat date at hindi ko ginagawa iyong ginagawa ng iba dahil hindi naman ako gay.
“Nagulat ako dahil bumunot agad sa bulsa at binigyan ako ng P20K, wala na akong nagawa. Wala namang ipinagawa sa aking kung ano, siya lang ng nagpasasa sa katawan ko. Tapos siya na lang ang nag-touch sa sarili niya. ‘Di pa natapos doon. Kinabukasan pagdating ko pa lang sa shoot inabutan ulit ako ng P20K. Sinabi ko na, hindi naman ako puwedeng araw-araw. Baka bago matapos ang pelikula namin may tb na ako.
“Pero nandoon na pinagbigyan ko na ulit. Ngayon nagkasundo na kami na kung gusto pa niya, once a week na lang puwede. OK naman daw kay direk. Ang problema ko paano kung malaman ni Daddy na ginagalaw ako ni direk?” sabi ng starlet.
At paano kung kung mag-ala Maris Racal si direk at sabihing pinaniwala siya na split na sila ng isa pang bading? Mas matinding mag-away sa lalaki ang mga bading kaysa mga babae.