Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Espantaho doll

Mag-ingat sa mga bagay na hindi natin dapat katuwaan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG press conference ng Espantaho, kabilang sa kanilang give aways ang isang miniature na Espantaho na ang pagkakagawa ay parang iyong Labubu doll na usong-uso ngayon. Siyempre marami ang natuwa. Hindi ba’t napakamahal niyang labubu na iyan.

Pero naalala namin ang pangaral ng isang evangelist tungkol sa Labubu, maaaring hindi raw tayo aware na dahil inilalagay natin ang mga monster na iyon na walang dudang evil characters, baka isang araw ay mabalikan tayo ng mga evil being. Bigla naming naisip iyong Espantaho. Hindi ba sinasabi sa pelikula nila na pinupuntahan na sila at binubulungan ng Espantaho. Ang ginawa namin  maingat naming ibinalik ang manika sa lalagyan niyon, at sa loob ay nilagyan namin ng medalya ni St. Benedict na panlaban sa diablo. At itinago namin sa lugar na hindi na magagalaw.

Minsan kailangan tayong mag-ingat. Hindi tayo aware pero may mga bagay talagang hindi natin dapat katuwaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …